CHAPTER 46

658 15 0
                                    

Approval

Napapikit ako ng mariin sa biglang pagsakit ng ulo ko. Sinandal ko ang aking ulo sa aking upuan at napahinga ng malalim. Pinigilan ko ang mag isip sa pagbabasakaling mawala ito. Na stress ako sa sunod-sunod na problema sa pabrika. Naapektuhan ang dalawang braches.

"Amara,"


Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Mommy. Hindi ko namalayan ang pag pasok nito at ng kapatid ko sa office.


"Mom,"


"Stop stressing yourself." Lumapit ito sa akin at mahinang tinapik ang aking balikat.


"Nahinto ang paggawa ng mga employees sa pabrika dahil nasira ang dalawang machine. I already called the engineers and they said we need to wait for 2 days to fix them."


Sinubukan ko kanina na tumawag sa ibang mechanical engineers pero isa lang ang sinasabi nila. Sinabi ko rin na magbabayad ako ng malaki basta magawa ito ng isang araw but they refused. Hindi magiging polido ang gawa kung mamadaliin.


"Then...let's wait for two days," sambit ni Mommy.


Napabuntong hininga ako. Napatingin sa akin si Charlene na nakatayo malapit sa bookshelves.


"It can damage our product and sales, Mom. Also Macloth is complaining because some of the fabrics they received have damage."

Macloth is a famous brand in the Philippines at sa amin sila kumukuha ng tela for their products. Sa tagal naming sa ganitong larangan ay ngayon lang pumalya at may nagreklamo.


"Anak, okay lang 'yan parte ng negosyo 'yan. I suggest na umuwi ka muna and get some sleep. Tingnan mo ang mata mo, nangingitim na."


Napapikit na lamang ako. Gustuhin ko man mag pahinga ay hindi ko magagawa. Alam kong pag uwi ko ng bahay ay iisipin at iisipin ko lamang ang maraming gawain.

"Saan ang punta niyo?" tanong ko kay Mommy.


"Good morning, Madam."


Napabaling naman kami sa pintuan sa pag pasok ni Mateo. Napalundag ang kapatid ko sa gulat sa pag pasok nito. Napaalis ito sa bookshelves at umupo sa couch.


"Ano, Mateo? May bago ka na naman bang problema na sasabihin sa anak ko?" tanong ni Mommy na may halong pagbibiro.


Lumapit ito sa mesa ko. Bahagyang napataas ang kilay ko sa pagkailang nito sa kapatid ko na nakatitig sa kaniya.


"Gusto po ni Ms. Mostique na mag paappointment sa inyo para sa magazine interview ng mga young business woman."

Mabilis akong napailing at hindi na pinatapos pa si Mateo.


"Tell her I'm busy."

"Uhm...Ma'am-"


Napahinto si Mateo sa pag senyas ni Mommy na huwag ng ituloy ang sasabihin. May binulong ito na hindi ko naintindihan. Kalaunan ay nag paalam si Mateo at lumabas.


"Why did you reject it? Alam mo ba na pagkatapos ng interview na iyon ay pag uusapan ka? After your interview they will treat you like a diamond." Pagmamalaki ni Mommy.


"Yeah, pag chichismisan ka. I know the interview is not about business. It's about my personal life, Mom."


Kapag pumayag ako sa interview na iyon ay mauungkat lang ang buhay ko. Aalamin nila ang mga isyu na kinasangkutan ko kahit na gaano pa iyan katagal. Alam kong masasama roon ang pakikipag relasyon ko sa aking Professor noong college at ang pagbili ko sa aking diploma. Kaya tama si Mommy, pag uusapan nga ako pagkatapos ng interview. Pag chichismisan ang buhay ko.


Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon