CHAPTER 5

682 17 5
                                    

Cat fight


Ito na nga ba ang ikinakabahala ko. Pagkatapos nang nangyari sa wedding booth ay naging matunog ang pangalan ko. Kaya naman ang mga tingin sa akin ng mga estudyanteng nadadaan ko ay masama. May ilan din namang mga kinikilig tuwing nakikita kaming mag kausap ni Joaquin. Lalo na noong naganap ang Mr. And Ms. Intramurals. Si Astrid sana ang pupuntahan ko noon para icongrats sa pagkapanalo bilang Ms. Intrams, pero na misinterpret iyon ng mga tao. Ang akala nila ay si Joaquin ang pupuntahan ko kaya naman agad silang nag tilian.


Lalong naging maingay nang salubungin ako ni Joaquin. Ang akala rin niya yata ay siya ang pakay ko. Kaya wala akong nagawa kun'di yakapin siya pabalik at batiin din sa pagka panalo niya.


"Ate, pwede po ba kami mag papicture sa inyo?" pag harang sa akin ng dalawang babae, na sa tingin ko ay first year college base sa lace ng ID nila.


"S-Sure," naguguluhan man ay pumayag ako.


Pag alis ng dalawa ay siya namang pag akbay sa akin ni Aloisia.


"Grabe, mas naging matunog pa ang pangalan mo kaysa kay Astrid," ani nito.


Totoo ang sinabi niya. Kapag may nakakakita sa akin ay agad akong pinag-uusapan. Si Astrid ang nanalo bilang Ms. Intrams pero ako ang laman ng usap-usapan. Ang mga picture namin ni Joaquin noong wedding booth ay naging viral. Bagay na hindi ko na lang pinansin dahil nahihiya ako kay Joaquin.


"Dapat ba akong matuwa?"


Nilapag ko ang bag ko sa lapag ng rooftop at tumabi kay Astrid sa nakalatag sa tela.

"Syempre naman! Yung malink ka sa crush mo ay malaking bagay na 'yon."


"I think he likes you too," saad naman ni Astrid.


I don't think so. Feeling ko ay nakikisabay lang si Joaquin sa mga nangyayari dahil mag kaibigan kami. Sa tingin ko ay ayaw lang niya ako mapahiya sa paningin ng iba.


"Huwag ka nga ganyan, Astrid. Assumera 'ko." Pagbibiro ko.

Madrama namang binuksan ni Astrid ang chips sa harapan niya.


"You're so lucky nga, eh. Ikaw close ka sa crush mo, look at me! Ignore lang lagi ang beauty ko," madramang pahayag nito.


"Nagiging close na rin naman kayo ni Asher, ah." Panunuya ni Aloisia.


"Shut up! I don't like him. Si David lang talaga."


Maganda si Astrid. Marami rin nag kakagusto. Maraming manliligaw, pero ang hindi ko alam kung bakit nagpapakabaliw siya kay David. Kay David na hindi siya pinapansin. Kay David na hindi man lang siya matingnan.


"Move on ka na, bakla 'yon kaya hindi ka pinapansin." Inismiran naman ni Astrid si Aloisia


Actually iyon din ang unang tingin ko kay David. Siguro dahil galing siya sa nursing department kaya napaka linis nitong tingnan. Unang tingin mo pa lang ay alam mo ng may kaartehan sa katawan. At iyon naman daw ang nagustuhan ni Astrid kay David, ang pagiging malinis.


"Tara na, malapit na ang time ni Ma'am Lyca." Pag aaya ko sa kanila.


Sa paglalakad namin pabalik ng room ay nakarinig ako ng usapan na tungkol sa akin. Hindi ko alam kung nag bubulungan sila o sadyang pinaririnig talaga sa akin.


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now