CHAPTER 37

517 14 1
                                    

Married

"Kumusta siya?" pagtukoy ko kay Sir Dylan habang kafacetime si Aloisia.

"I don't know. He's missing in action. Sa mga nababalitaan ko, hindi na raw nagtuturo sa dating school natin. Lumipat daw."


Napahinto ako sa pinipirmahang kontrata at naibaba ang hawak na ballpen. Araw-araw kong tinatanong ang sarili ko kung kumusta siya. Laging sumasagi sa isip ko ang napag-usapan namin noon. Yung trahedyang nangyari sa pamilya niya. Sa kaniya na ng galing na hindi na niya kakayanin na maulit iyon. Ang masakit ay nawala ang natitirang pamilya niya. Naulit ang kinakatakutan niya. Alam ko sa sarili kong hindi siya okay.


"Bakit hindi siya mismo ang tanungin mo kung kumusta siya? Para mapanatag ka." Walang bakas na pagbibiro sa boses nito.

"How?" napailing ako agad. "I can't." Pagbawi ko.


"Don't stess yourself, Amara. Simula ba nang dumating ka diyan nakalabas ka man lang? Or d'yan ka na nagtira sa office mo?" tanong ni Aloisia.


Napalingon ako sa salamin na nakatayo sa aking table. Tinitigan ko ang aking mukha. Bakas sa aking mukha na kulang sa tulog at pahinga. Mukha ako laging pagod kahit na minsan ay wala naman ako halos ginagawa. Si Klea ang gumagawa ng lahat. Halos pagbasa at pagpirma lang ng kontrota ang ginagawa ko rito.



"Wala akong time," sagot ko.

Napailing ito sa akin.

"Try mo lumandi diyan. Malay ko taga diyan talaga yung para sa'yo." Sinamaan ko nang tingin si Aloisia. Ngiting-ngiti naman ito sa akin na parang nakapagandang idea ang naisip nito.


"Stop it, Aloisia."

Hindi ako pumunta rito para mag hanap ng lalaki, para mag libang, at para mag saya. Nandito ako hindi dahil gusto ko, kun'di dahil gusto ni Mommy.

Tumawa ito. "Why? Hindi mo kayang palitan?" bigla itong naging seryoso. Ibinaba nito ang iniinom na orange juice. "What if ikaw ang palitan? You're not here the day he needs you the most. What if mahanap niya yung comfort sa iba? Yes mahal ka niya, but....you're not here those times na kailangan ka niya."


May kung anong kumurot sa puso ko sa tanong ni Aloisia. Tama siya, wala ako nung panahon na kailangan niya 'ko. Sobrang sakit sa akin yung sitwasyon na 'yon, yung isipin na kailangan n'ya ng taong magpapalakas ng loob niya pero mag isa niya ulit hinarap ang isang masakit na pangyayari. Malalim akong napabuntong hininga bago siya sagutin.


"Then.....I'm happy for him. I'm happy for them,"  mapait na sagot ko.


I lied. Kahit kailan ay hindi ako magiging masaya na iba ang nasa tabi niya sa mga oras na kailangan niya ng karamay. How I wish ako 'yon. Ako yung nasa tabi niya. Ako yung nagcocomfort sa kaniya. But, I'm happy for him, may taong nandoon sa oras na down na down siya. Masaya ako dahil may tutulong sa kaniya na ipagpatuloy ang buhay niya.


"Huwag ka mag-alala, kapag nalaman ko na meron na siya, sasabihin ko sa'yo. Pupunta ako agad diyan. Sasamahan kita manlalaki," ani nito at malakas na tumawa.


"Do you need anything else?" boritong boses ng lalaki mula sa linya ni Aloisia. Nawala ang masiglang mukha ni Aloisia sa camera. Nakita ko ang pagsenyas ng kamay nito na pagpapalayo rito.


"Usap ulit tayo kapag hindi ka busy. Ingat ka diyan, bye!" mabilis na pagpapaalam ni Aloisia.


Tinapos ko lang ang mga naka schedule ko na gawain at umuwi na ako sa condo. Maaga akong umuwi na hindi karaniwang ginagawa ko. Usually around 7 or 8 p.m na ako nakakauwi kahit walang ginagawa sa office ay hinihintay ko lang na dumilim ang langit bago umuwi. Minsan ay pati ang trabaho ni Klea ay ginagawa ko na. Gusto ko kasi pag-uwi ko ng condo ay pagod na pagod ang isip at katawan ko.


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now