CHAPTER 9

625 18 1
                                    

Single

"Grabe! Ang angas kanina ni Astrid sa motor niya." Pag hangang kwento ni Neil kay Asher tungkol kay Astrid.


Kasunod pumasok ni Astrid si Neil na bakas ang paghanga sa mukha. May dalang helmet si Astrid Kaya nasisiguro kong naka motor lang siya ngayon.


"Pasakay ako sa'yo mamaya, ah?" baling ni Neil kay Astrid. Binigyan naman siya ng masamang tingin ni Astrid.


"Sarap siguro sumakay sa'yo." Dagdag ni Neil na ikinaubo ni Aloisia.

"Gago ka ba, Neil?" nanlilisik na matang tanong ni Astrid.

"What's wrong? Gusto ko lang naman maranasan sumakay sa'yo," inosenteng pahayag ni Neil.


Katulad ni Neil ay hindi ko rin maintindihan ang ibig sabihin ni Astrid. Wala akong makitang mali dahil hindi naman madamot si Astrid. Ilang beses na ako nakasakay sa motor niya at kahit sinong gusto sumakay sa kaniya ay pinagbibigyan niya.


"Ang bastos mo!" sigaw ni Astrid.


"What?! Wait.....don't tell me..oh!" nagsimula siyang humagalpak ng tawa. "Ang dumi ng isip mo! Sa motor ko gusto sumakay hindi sa'yo! Feelingerang 'to!" panunuya ni Neil.
Agad namang namula si Astrid dahil dito.


Nahinto lang ang harutan nila nang pumasok ang next subject. Si Ma'am Lyca. Talagang pinanindigan na nito ang pagiging terror. Hindi naman siya noon ganyan magturo, bigla ay naging sobrang higpit niya. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin non.


Kasunod pumasok ni Ma'am Lyca si Joaquin na hinihingal pa. Halatang galing itong practice dahil kaliligo lang. Hindi na naging big deal ang pagiging late ni Joaquin kay Ma'am Lyca dahil excuse naman ito. Ngumiti ito sa akin bago umupo sa tabi ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Neil habang nakatingin kay Joaquin at sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan pero nag make face lang ito.


Mabilis na explanation at discussion ang ginawa dahil kasama raw iyon sa midterm namin next week. Sa kasamang palad ay wala akong maiintindihan sa tinituro ni Ma'am Lyca. Hindi ko malaman kung mahirap talaga o wala lang ako sa focus.


"May naintindihan ka?" mahinang tanong ko kay Maisie.

"Meron naman," tugon niya.


Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang ako lang ang nahihirapan. Tutok ang lahat kay Ma'am Lyca at walang nagtatanong, kaya naiisip ko na lahat sila ay naiintindihan ang discussion nito.


"Nakikinig ka ba, Ms. Valiente? Pakisagutan nga ito." Tawag sa akin ni Ma'am Lyca


Nanigas ako sa kinauupuan ko at tinitigan ang problem sa board. Unang tingin ko pa lang ay hindi ko na kayang sagutan.

"Ms. Valiente, kindly stand up at pakisagutan ito."

Alanganin akong tumayo.

"I-I don't know the answer, Ma'am," mababang boses na sabi ko

Gulat na napalingon sa akin si Aloisia. Siguro ay hindi siya makapaniwala na hindi ko alam ang sagot. Ito ang unang beses na wala akong maisagot sa Prof.

"Paano mo malalaman kung hindi ka naman nakikinig?"

Napayuko na lamang ako sa kahihiyan. Nakatingin lahat ang mga kaklase ko sa akin. Gusto kong isagot na nakikinig ako pero wala talaga akong maintindihan, pero natatakot ako. Mataas ang expectation sa akin ng lahat. Isang malaking kahihiyan na ako lang ang hindi makasabay sa klase.

Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now