CHAPTER 16

548 14 0
                                    

Practice


"Ilagay mo na 'yang gulay, Amara, tapos hintayin mo na lang maluto." Utos ni Nana Elma.


Nasa kusina ako dahil nagsasanay ako magluto. Ngayon ko lang narealize na sobrang hirap pala nito. Tumutulo ang pawis sa aking noo kaya itinali ko ang aking buhok. Ang pinaka mahirap sa akin na part ay ang maghiwa. Ilang beses muntik mahiwa ang daliri ko. Ngayon alam ko ng bobo ako pagdating sa kusina.


"Habang hinihintay mo 'yan maluto, gamutin mo muna iyang paso mo." Pag-abot sa akin ni Nana Elma ng first aid kit.


"Salamat, Nana Elma."


Ginamot ko ang napasong braso ko at naging lapnos na ito. Hindi siya kalakihan pero mahahalata agad dahil sa maputing kutis ko. Worth it naman ang lapnos dahil okay daw ang lasa ng luto ko. Hindi na masama sa first timer ayon kay Nana Elma.


"What's up!"

Napalundag ako sa gulat dahil sa sigaw mula sa living room. Dinungaw ko ito mula sa kusina at nakita ko ang dalawa kong kaibigan, na feel at home na nakaupo sa sofa.


"Ano ginagawa niyo rito? Hindi kayo nagsabi na pupunta kayo?" tanong ko sa kanila mula sa kusina. Hinubad ko ang suot na apron bago pumunta sa kanila.

"Magnanakaw sana. Nasasanla ba 'yong mga gold medals mo na 'yon?" pilosopong tugon Aloisia.


"Saan kayo galing? Bakit ganyan ang mga itsura niyo?"

Magkamuka kasi ang suot ng dalawa. Naka booths at leather jacket sila, na lubhang pinagtataka ko lalo na kay Astrid. Bukod sa riding gears at puro pang sexy na damit lang ang sinusuot nito. Mukha silang mga riding in tandem.


"Ikaw nga mukhang naanakan ng lima, eh, nag reklamo ba kami?" sarkastikong sagot ni Aloisia.

Ang haggard kasi ng itsura ko ngayon. Oily ang mukha, naka loose shirts, messy hair, at hindi pa naliligo.

"Ow shucks! Yung niluluto ko!"

Mabalis akong napatakbo sa kusina nang naalala ang niluluto ko. Agad kong pinatay ang stove dahil umaapaw na ang sabaw nito.

"Wow! Nag date lang kayo ni Joaquin, nagsasanay ka na mag luto. Are you getting married?" Astrid grinning at me. Umiling na lang ako sa kanya.

I just realized that I must learn to do all household chores 'cause I'm a girl. Kahit may maid sa bahay ay kailangan ko pa rin matutunan. What if...mag asawa ako ng walang maid sa bahay? Right?

Sa amin nag hapunan ang dalawa. Mukhang okay naman ang luto ko dahil wala naman silang reklamo. Mukhang gaganahan ako magluto ng iba pang potahe.


"By the way, how's your date?" tanong ni Astrid.

Tumaas naman ang kilay ko at hinarap si Aloisia na umiinom ng tubig.

"Ask her." Pag turo ko kay Aloisia, na ikinasamid nito.

"Why......Why me?" nag tatakang tanong nito.


"Nag date rin sila ni Neil, nakasabay namin sila."


Nanlalaki ang mata ni Astrid habang nakaturo kay Aloisia. Si Aloisia naman ay ubo-ubo dahil sa sinabi ko. Akala niya yata ay hindi ko talaga siya napansin.


"Nililigawan ka ni Neil?! The fuck!" sigaw na tanong ni Astrid kay Aloisia.


"Excuse me! Hindi ko siya type!"


Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon