CHAPTER 33

480 12 0
                                    

Slap

"I need 2 months vacation after graduation. I think I have to chill naman," ani ni Astrid suot ang kaniyang sun glasses habang nakatambay kami sa garden.

"Hoy, Astrid! Apat na taon ka nang chill tapos gusto mo pa ng 2 months vacation!" pag-kontra ni Aloisia sa gusto gawin ni Astrid.

"Sabihin mo, mag momove on ka lang kay David kaya gusto mo umalis." Pagsali ko sa usapan para hindi nila mahalata ang pagiging problemado ko ngayon.

Napaahon si Astrid sa pagkakahiga sa bench at inalis ang suot na salamin. Masamang tumingin sa akin.


"Magpapamiss lang ako no."


Sabay kaming natawa ni Aloisia rito.


"Kahit hindi ka na umuwi hindi ka mamimiss non! Tuwa lang non kapag umalis ka." Pang-aasar ni Aloisia. Humaba naman ang nguso ni Astrid.


Sa buong buhay ko ay si Astrid pa lang ang nakikilala kong tao na kayang magtiis ng matagal na panahon mapansin lang ng taong gusto niya. Sobrang dami ng mga nag kakagusto sa kaniya pero kay David pa siya nag kagusto. Yung taong hindi kaya suklian ang nararamdaman niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil wala naman ako sa posisyon niya. Swerte lang ako sa part na gusto ako ng taong gusto ko.


Malalim akong napabuntong hininga habang paulit-ulit na tinitingnan ang cellphone ko. Hindi ako mapakali kakatingin dito. Nakatutok ako sa page ng school dahil sabi sa akin ng head kanina ay hintayin ko na lang ang announcement sa page sa magiging desisyon sa mga estudyanteng katulad ko. Mamaya raw nila iyon ilalabas kaya kabado na ako ngayon pa lang. Tahimik na nagdadasal na sana ay nagbago ang isip nila dahil maganda naman ang performance ko noon.


Bahagyan akong napatalon sa gulat nang biglang mag vibrate ang cellphone ko. Napansin iyon ni Aloisia kaya napataas ang kilay nito sa akin, pero hindi ito nagtanong dahil may pinag-uusapan sila ni Astrid ngayon na isang lalaki sa katabing bench.


Sir Dylan

   I am expecting to see you later after your class in the playground. Eat your lunch.

-------------------------

Saglit akong napaisip at inalala kung meron ba kaming usapan na magkikita ngayon. Kahapon ay pumunta ako sa kanila para dalawin si Daryl, sinugod ulit ito sa hospital at kauuwi lang kahapon. Wala naman siya sa aking nabanggit. Pero dahil gusto ko rin naman siya makita ay pumayag na lang ako. Sa araw-araw namin na pagkikita ay nakatulong iyon para makalimutan ko ang problema ko. Nakakawala ng stress kapag kasama ko siya.


"Ihhh!!!! Girl, he's looking at you! It's too obvious. I think bet ka niyan," bulong ni Astrid. Napatingin naman ako sa pinag-uusapan nilang lalaki. Madalas ang pag tingin nito sa pwesto ni Aloisia at tuwing mahuhuli iyon ni Astrid ay kumakawala ang ipit na tili nito.

"Ayoko sa mestiso," pairap na tugon ni Aloisia.


Mukhang may lahi ang lalaki sa kutis nito. At sobrang halata ang madalas na pag tingin nito kay Aloisia. Kunwari lang yata itong nagbabasa ng aklat dahil bawat sampung segundo ay lumilingon ito sa pwesto namin. Hindi na ako magtataka dahil gustuhin talaga ang dalawang ito ng mga foreigner.

"Girl, may dumating na isa pang yummy!" paghampas ni Astrid sa balikat ni Aloisia.


Isang lalaki na puting-puti ang suot na uniform. Matangkad ito at sakto ang pangangatawan. Napansin ko ang ayos ng kaniyang buhok na katulad ng ayos ng buhok ni Sir Dylan. Mukhang mag kaibigan sila ng lalaking pinag-uusapan kanina nila Astrid dahil magkausap ito.


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now