CHAPTER 4

663 18 1
                                    

Careful


Pilit kong ibinalik ang matamis kong ngiti habang kinukuhanan kami ni Joaquin ng picture. Unti-unti ay bumabalik ang saya sa akin. Mukhang mas kinikilig pa yata ang mga tao sa paligid namin nang hawakan ni Joaquin ang beywang ko.


"Uhm...pwede na siguro ako mag palit. Babalik pa kasi ako sa booth." Pamamaalam ko kay Joaquin habang mahigpit pa rin ang hawak sa bouquet.


"Wait lang, mag papapicture pa sa atin sila Ma'am."


Nakita ko nga ang paglapit ng mga professor na nanood sa amin kanina. Agad din akong nag iwas nang tingin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatingin ng matagal. Lalo na kay Sir Dylan. Hindi ko kayang tagalan ang madilim niyang tingin.


"Dikit pa ng kaunti!" sigaw ni Aloisia habang hawak ang camera.


Sa pagdikit ko kay Joaquin ay siyang pag dikit din sa akin ng pamilyar na amoy. Hindi ko na kailangan pang lumingon para alamin kung sino ang nasa kaliwa ko. Pabango pa lang niya ay kilala ko na. Iba ang kilabot na naramdaman ko ng magdikit ang braso naming dalawa. Daplis lang iyon pero parang biglang ginising nito ang diwa ko.


"Okay! 1, 2, 3!" pag bilang ni Aloisia. Hindi ko alam kung kaninong braso ang marahang yumapos sa beywang ko, pero agad din namang inalis pagtapos kami kuhanan ni Aloisia.


"Tara! Mag palit ka na." Pag aya sa akin ni Astrid.



"Ako na ang sasama sa kan'ya." Pag singit ni Aloisia.


Bumalik kami sa room na pinag bihisan ko kanina. Ibinalik namin sa kahon ang gown na sinuot ko. At may bigla na lang may lumapit na lalaking naka itim at naka sumbrero sa amin ni Aloisia. Kinuha nito ang gown na dala ni Aloisia at umalis na walang salita. Nakita ko naman ang masamang tingin ni Aloisia na sumusunod dito.


"Sino 'yon?" takang tanong ko habang lumalabas kami.


"Bodyguard," maikling tugon nito.


Sumama sa akin si Aloisia sa booth namin. Pagbaling namin sa kabilang booth ay nakakumpol na naman ang mga tao. Ngayon ko lang napansin na nakatayo rin sa harap ng Booth namin sina Asher at Neil, na kapwa rin nanonood sa kabila. Pagtingin ko roon ay si Astrid na hindi maitago ang kilig ang nakita ko. Namumula ito habang natayo sa tabi ni David na walang emosyon ang mukha. Agad naman lumapit doon si Aloisia para manood. Gusto ko man din lumapit ay hindi ko magawa dahil bumalik na ako sa pwesto ko.


"Pre! San ka pupunta?!" dinig kong sigaw ni Neil.


Nakita ko ang mabilis na paglakad ni Asher sa kabilang booth.

"Luh! Gago nigagawa mo?!" sigaw ulit ni Neil bago sundan ang kaibigan.


"Ate, apat na ticket."


Nawala ang atensyon ko sa dalawa ng may apat na babaeng lumapit sa akin para bumili ng ticket. Dumami na naman ang mga pumapasok sa booth, kaya nawalan na ako ng oras para manood sa mga nangyayari sa kabila. Nang saglit akong bumaling doon ay mga namamahingang mga member na lang ang naabutan ko. Tapos na siguro sila.


"Subukan nga natin dito." Pag lapit ni Ma'am Lyca sa booth namin kasama ang limang professor.


"Anim na ticket." Pag lapit sa akin ni Ma'am lopez.


Binigay ko naman ito ng hindi na tumitingin sa mga kasama niya. Nag panggap na lamang ako na abala sa mga papel na nasa harapan ko.


"Isama natin si Amara para may guide tayo."


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now