CHAPTER 2

953 24 1
                                    

Touch


Gulat akong nakatingin kay Maisie habang nakahawak sa aking noo. Masakit ang pagkakatama ng pamaypay, sa hula ko ay ang dulo nito ang tumama sa akin.


Gulat din ang ekspresyon ni Sir Dylan nang bumaling ako rito.


"I-I'm sorry, Ms.Valiente. Hindi ko sinasadya..."


"Excuse me, Sir Dylan. Urgent meeting daw." Pag pasok ni Ma'am Lyca sa room.


"Ayie!!!"


"Bagay talaga!"


"Ang ganda ni ma'am Lyca."



Bulungan at kantiyawan ang nangibabaw sa room pagkapasok ni Ma'am Lyca. Nawala agad ang atensyon nila sa nangyari sa akin dahil dito. Bigla ay nakalimutan nila na may estudyanteng natamaan ng pamaypay sa noo ng Prof nila. Sa tingin ko ay mas okay na rin 'yon para hindi na lumaki ang usap.


"Sorry, Amara..." Pag upo ni Maisie.


Kinuha ko ang wallet ko sa bag at kumuha ako ng halagang five hundred pesos. Mabilis ko itong inilagay sa palad ni Maisie.


"A-Amara, ang laking halaga nito."


"Maliit lang 'yan, Maisie. Huwag mo nang bayaran, basta pumasok ka ulit bukas," nakangiting tugon ko sa kaniya.


Hindi lingid sa kaalaman ko na hindi galing sa mayaman na pamilya si Maisie. Kaklase ko na siya noong Junior High School ako at noon pa man ay madalas talaga siyang manghiram sa akin ng pera. Lagi naman niyang pinapalitan pero hindi ko tinatanggap. Alam kong kakailanganin pa niya iyon sa susunod na araw para makapasok. Aniya ay nakapag-aaral siya ng college ngayon dahil sa tita niya na nasa ibang bansa. Natutuwa ako dahil saglit na lang ay makakatulong na siya sa pamilya niya.


"Amara, gusto mo ba na dalhin kita sa clinic?" tanong ni Joaquin.


Ngayon ay nagkakagulo na sa loob ng room dahil wala ng prof. Ang iba ay lumalabas na dahil may 2 hours kaming vacant.


"Ahh...hindi na. Okay lang ako," nakangiting sagot ko. Kahit na sa tingin ko ay may kaunting galos ang noo ko.


"Joaquin, meeting daw sa gym!" pagsulpot ng isang lalaki sa pintuan.


"Sige, pero bibili kita ng band aid." Pagtayo ni Joaquin. Nakangiti ko naman siyang sinundan nang tingin.


"Maka sigaw kanina ng araay!" panggagaya sa akin ni Aloisia. "Tapos tinanong lang ng crush niya naging okay na." Pag baling sa akin ni Aloisia. Inirapan ko na lang ito at isinilid ang notebook ko sa bag.

Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now