CHAPTER 45

644 13 0
                                    

Collapsed

Nililigpit ko ang mga nakakalat na damit sa aking kama na aking sinukat nang pumasok si Mommy sa kwarto.

"Mommy,"

Nakangiti itong tumuloy at tinulungan akong ibalik sa aking closet ang mga damit. Yes, okay na si Mommy after 5 months ng therapy niya. Tuwid na ang kaniyang pananalita pero mabagal pa rin ang kaniyang pag kilos hindi gaya nun dati. Bumalik na rin siya sa trabaho pero hindi ko na siya pinapayagan pang mapagod.

"Papasok ka na?" tanong nito.


"Opo, may pipirmahan daw ako sabi ni Mateo. Pupunta rin po si Joaquin sa office."

Umupo ito sa aking kama kaya kita ko ito sa salamin sa aking harapan. Sinimulan kong mag lagay ng konting make up.


"Sa ganyang edad mo ay may asawa na ako," makahulugang sambit nito. Saglit kaming nagkatinginan sa salamin at ngumiti ito sa akin.

Isinara ko naman ang hawak na foundation at nag simula mag lagay ng mascara.

"Do you have any plans to get married?"

Mahina akong napabuntong hininga. Ngayon lang niya ulit binuksan ang ganitong usapin. Sa oras na sabihin na naman niya ang gusto niyang pagpapakasal ko kay Joaquin, ay alam kong papait ang pakiramdam ko.


"Of course, I have."

Tumango-tango ito. Tumayo si Mommy sa aking kama at pumunta sa aking likuran. Napahinto ako sa aking ginagawa nang kuhanin nito ang suklay sa aking harapan at sinuklay ang aking buhok. Nakatitig ako ngayon sa kaniyang mukha sa harap ng salamin.

"Kanino?"


Hindi ako agad nakasagot kay Mommy. Tinitigan ko ito sa salamin.


"To the man that I truly love," mahinang sagot ko.

Nakita ko ang pag silay ng ngiti nito. Pinagpatuloy nito ang pag suklay sa aking buhok. Biglang hinaplos ang puso ko sa ginagawa ni Mommy. Para akong bumalik sa pagkabata. Yung pauupuin niya ako sa harap ng salamin at aayusin ang aking buhok. Yung mga paalala niya kung paano alagaan ang buhok at katawan ng babae. Yung panahong masaya kaming nag kukwentuhan habang ginagawa niya iyon.

"I know.....you already found your happiness but.... your bitch mother is the hindrance to your happiness."

Naluluha si Mommy na tumawa. Palihim nitong pinahid ang luha. Hindi ko akalain na sobrang sakit pala sa puso ang makitang umiiyak ang magulang mo, naging masama man siya sa'yo. Kitang-kita ko sa mata ni Mommy ang pagkaguilty.

Hinawakan ko ang kamay nitong nasa aking balikat. Nagkatitigan kaming dalawa sa salamin at doon ay malinaw kong nakita ang pamumuo ng luha nito sa kaniyang mata. Nakita ko ang malungkot na mata ni Mommy na huli kong nakita noong nawala si Daddy.


"I.....I want to say to you, my first princess.... you can be with your happiness now. I'm sorry for the past years for not giving what you deserve. You deserve to be happy, Amara."


Tuluyan akong tumayo at yumakap sa kaniya. Naluha rin ako sa pag-iyak ni Mommy. Ramdam kong pinagsisisihan niya ang kaniyang ginawa. Sapat na sa akin ang mga salitang binitawan niya para bumalik kami sa dati at malimutan ang nakaraan. Handa ko nang ibaon sa lupa ang sama ng loob na naramdaman ko noon kay Mommy. Handa na akong mag simula ulit.

Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now