CHAPTER 34

502 10 0
                                    

Dummy

Tulala akong nakatagilid na nakahiga sa kama habang nakatitig sa garapong na sa'king harapan. Hindi ko namamalayan na tumutulo ng kusa ang aking luha habang nakatitig dito. Pagod na ako emotionally and mentally pero ang luha ko ay walang kapaguran. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak tuwing naiisip ko ang nangyayari sa buhay ko ngayon at kung ano pa ang mangyayari sa akin.

Ang nagsisilbing liwanag sa akin ay ang ilaw na nakapalibot sa garapon. Alam kong maliwanag na sa labas at tirik na ang araw, pero walang liwanag na tumatagos sa aking kwarto dahil sa makapal na kurtina. Ilang araw na akong nagkukulong sa kwartong ito.

Mabilis kong pinahid ang luha sa aking mata nang marinig ko ang pag bukas ng aking pinto. Nakatalikod ako mula rito kaya hindi ko alam kung sino ang pumasok. Napapikit ako nang buhayin nito ang ilaw sa aking kwarto. Nakakasilaw ang liwanag dahil ilang araw na akong puro dilim lang ang nakikita. Hindi ako bumababa simula noong pag-uusap namin ni Mommy. Ang kapatid ko ang nagdadala ng pagkain sa kwarto, pero ang maayos na pagkain ay hindi ko na rin magawa. Ang hirap pala kumain habang umiiyak.

"Huwag kang mag mukmok diyan na para kang namatayan. Tumayo ka diyan kailangan mo pumunta ng school dahil may pipirmahan ka. Sasama sa'yo ang bodyguard mo." Malamig na utos ni Mommy.


Walang salita akong bumangon at kinuha ang tuwalya para maligo. Nananatili sa loob ng kwarto si Mommy at tiyak akong pinanonood nito ang bawat galaw ko.


"Kung si Joaquin na lang sana, kahit bumagsak ka ay baka matanggap ko." Narinig ko ang pag singhal nito.


Napatigil ako sa harap ng pintuan ng banyo. Ilang beses akong lumunok upang bumalik ang namumuong luha bago ako humarap kay Mommy.


"Nakakahiya! Pinag-uusapan ako ng mga kaibigan ko dahil sa'yo!"


Halos mapunit ang aking pang ibabang labi sa pagkakagat. Hindi ko na napigilan ang sarili kong humarap ng umiiyak dito.


"I-I'm sorry, M-Mommy. Sorry kung....napapahiya ka dahil.....dahil may anak kang bobo!" tuloy-tuloy ang agos ng luha sa pisngi ko. "Sorry kung.....failure ako! S-Sorry, Mommy, hindi ako umabot sa expectations mo."


Hindi nabago ang matigas na ekspresyon ni Mommy kahit naririnig na ang masasakit na hinaing ko. Napatuwid lamang ito ng tayo at parang nakikinig na walang kwentang bagay.


Kahit nakakapressure na ang gusto niya mangyari noon pa man, hindi siya nakarinig ng reklamo sa akin. Lagi kong binibigay ang gusto niya na dapat the best ka, dapat ikaw ang pinaka magaling at nangunguna. Kahit umiiyak na ako noon sa pressure dahil sa taas ng expectation niya sa akin. Hindi ako nagreklamo, ngayon pa lang dahil ang bigat-bigat na ng dibdib ko.



"M-Mommy, anak mo 'ko! Anak mo ako, Mommy! P-Pero bakit....bakit unti-unti mo 'kong pinapatay sa masasakit na salitang binibitawan mo?!"


Tagos sa puso ang mga natatanggap ko na salita kay Mommy. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon. Hindi ako kahit kailan napagsalitaan ng masasakit na salita ni Mommy. Pero ngayon, sa isang pagkakamali ay halos durugin ako nito ng mga matatalas siyang salita.


"I'm...... expecting you to lift me up, Mommy, But guess what? My own mother dragging me down! I'm in pain.......I feel so much pressure, and you are making it worst!" pumiyok ang aking boses sa sigaw at pag-iyak ko. Humakbang ito ng dalawang beses palapit sa akin at kitang-kita ko ngayon sa mukha ni Mommy ang disgusto sa pahayag ko.



Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now