CHAPTER 28

518 20 0
                                    

Yours

Inayos ko ang pagkakaribbon ng aking bathrobe bago bumaba. Balak ko muna na kumain bago ayusan ng make up artist. 8:00 p.m ang oras ng start ng program kaya naman alas singko pa lang ay aayusan na ako.


Pababa pa lamang ako ng hagdan ay dinig ko na ang malakas na boses ni Mommy habang may kausap sa cellphone. Nang makita ako nito ay mabilis nitong pinatay ang tawag at may malaking ngiti sa labi na sinalubong ako.

"Hi, Honey! Did you see your gown?" tumango naman ako kay Mommy. Lumaki ang ngiti nito. Nagtaka naman ako. Iba ang ngiti ni Mommy ngayon. Parang ang ganda ng araw niya ngayon kahit hindi pumasok sa trabaho.


"Nagustuhan mo?"


"Opo, Mommy."


Isang silver gown na may disensyong V-neckline with spaghetti straps. Ang long slide split nito ay lalong nag pabagay sa akin. Lantad ang aking hita pero kaya ko naman ito dalhin. Gusto ko rin i-half ponytail ang aking buhok para makita ang disensyo ng gown sa aking likod. Minsan lang ang ganitong event kaya gusto ko paghandaan.



"That's good! Tiyak na magugustuhan ka lalo ni Joaquin!" ngiting-ngiting ani ni Mommy. Nag niningning ang mata nito. Inilingan ko na lang ito at pumunta sa dining area para hindi na magtalo. Wala na siyang bukang bibig kun'di Joaquin.



"Susunduin ka ni Joaquin mamaya. Tinawagan ko siya at okay lang naman daw. Actually gusto nga daw niya ang idea na 'yon kaso baka tumanggi ka. Ano ba anak? Maging nice ka naman kay Joaquin." Pag sunod ni Mommy at sunod-sunod na bwelta nito sa akin. Malalim akong napabuntong hininga bago harapin ulit si Mommy.


"Magdadala ako ng sasakyan, Mi. Or magpapahatid ako sa driver."


Mabilis na umiling sa akin si Mommy, senyales na hindi siya payag sa gusto ko mangyari.


"Hindi, susunduin ka ni Joaquin. Sinabi ko na sa kaniya na susunduin ka niya." Final na desisyon nito. Napailing na lang ako at tinalikuran ulit si Mommy.


Fine, puwede naman siguro kay Aloisia o kay Astrid ako sumabay pauwi. Alam ko naman na hindi ako ipapahatid ni Mommy sa driver para masunod ang gusto niya. I don't want to ruin this night. Ayoko mawala ang excitement sa akin ng dahil kay Joaquin. Ayoko muna isipin for the meantime ang isyu namin ni Joaquin. Dapat maging masaya ang gabi na ito.


Habang nagsasalin ng oatmeal sa bowl ay chinecheck ko ang aking phone. Halos mabitawan ko ang oatmeal sa aking kamay nang biglang lumabas ang pangalan ni Sir Dylan sa screen ng phone ko. Umupo ako at nakangiting binuksan ang message.


Sir Dylan

See you later.

----------------------

Maikling message lang pero ang saya ko. Hanggang sumusubo ay napapangiti ako.

Reply

See you.

-------------------


Hindi na ako nag expect na magrereply siya dahil alam kong busy siya. Pag ganitong students night ay busy lahat ang teachers.


Napatigil ako sa pagsubo nang biglang sumagi ang isip ko ulit si Sir Dylan. Nakagat ko ng maiigi ang kutsara sa aking labi upang hindi kumawala ang ngiti. Sa sobrang saya ko ay nakatulog yata akong nakangiti. Ilang beses akong pigil na napatili sa loob ng kwarto dahil sa ginawa niyang paghalik sa noo ko kahapon.


Last Sunrise (Last Series#01)Where stories live. Discover now