CHAPTER 36

416K 21K 42.4K
                                    


CHAPTER 36

SUMANDAL AKO sa likod ng pinto at saka itinago ang aking mukha sa parehong palad ko. Hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang kahihiyan na nararamdaman ko. Na kahit hindi ko na kaharap si Maxrill Won, pakiramdam ko ay namumula ako. Ang init-init ng mukha ko at nanginginig ang mga kamay ko. Ganito na nga ang pakiramdam ko, nagpaulit-ulit pa sa isip ko ang lahat ng nangyari at kaniyang sinabi.

Paano na? Napapikit ako at magkakasunod na umiling habang nakakulong sa palad.

Hindi ko alam kung paano pa siyang haharapin. Hindi ko sigurado kung kaya ko pa siyang kausapin. Pakiramdam ko, sa sandaling makita niya ako ay maaalala niya rin ang sandaling 'yon. Kahit pa iniba niya ang usapan nang huli, sigurado akong hindi na mawawala 'yon sa isip at alaala naming pareho.

Desisyon ni Maxrill Won na ako ang patulugin sa kaniyang kwarto, siya ay doon sa kwarto ni Ate Maxpein matutulog. Habang sina Bree Anabelle at Kuya Kev ay sa magkaibang guest room tutuloy. Wala pa mang limang minuto siyang nawawala ay nanlalamig na ang mga kamay ko.

"Dainty?" napatalon ako sa gulat nang muling umalingawngaw sa likod ng pinto ang boses niya.

Natakpan ko ang bibig ko at nanlaki ang mga mata. Hindi ko alam kung paanong sasagot. Parang maging tumugon ay hindi ko na kayang gawin ngayon.

"Dainty Arabelle!" walang pasensya niyang kinatok ang pinto. "I know you're in there. Open the door!"

"A-Ano..." hinarap ko ang pinto ngunit nangatal agad ang kamay ko. "Ano ba 'yon?"

"Take this," aniya sa tonong mauubos na talaga ang pasensya. "Lady, in my country, it's rude to" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang marahas kong buksan ang pinto ngunit kamay at braso lang ang inilabas ko. "What's this?"naguguluhan niyang sabi.

"Akin na," nakasimangot kong sabi, nakapikit at hindi na talaga makatingin, gayong may pinto naman sa pagitan namin.

"Open the door," nagpapasensya niyang sabi, lalo akong napapikit.

"Nahihiya ako."

"Why?"

Inis akong nagmulat. Ano'ng why? Inaasahan niya bang sabihin ko ang dahilan?

Abot-abot ang kaba ko ngunit nilakasan ko ang loob ko. Halos umabot sa balikat ko ang parte ng katawang inilabas ko sa pinto. Halos sumubsob sa pinto ang mukha ko. Nahihirapan man ay pilit kong inabot sa gano'ng sitwasyon ang kung anomang ibibigay niya. Parang sira na humawi nang humawi sa hangin pero walang mahawakan.

Pero napagod ako at nawawalan ng pag-asang bumuntong-hininga. Paano ba 'to? Tiningnan ko ang siwang ng pinto. Humugot ako ng hininga saka marahang sumilip doon.

"What are you doing?" Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mukha ni Maxrill Won ang sumalubong sa 'kin!

Ang pilit kong inaabot ay nasa harap mismo ng pinto, naroon siya sa kabilang gawi, sa pader at nakasandal. Ang kanang kamay niya ay nasa bulsa habang ang kaliwa ay may hawak na nakatuping damit. Nakakunot ang noo niya at bahagyang nakayuko sa akin.

Umawang ang labi ko, magsasalita na sana. Nanliit ang mga mata niya, hinihintay ang sasabihin ko. Pero sa halip na magpaliwanag ay marahas akong bumuntong-hininga at hinablot ang kaniyang hawak. Dali-dali kong isinarang muli ang pinto matapos no'n.

Nayakap ko sa dibdib ang damit habang habol ang hininga. Nang makabawi ay saka ko niyuko ang door knob. Sumama ang mukha ko nang hindi maintindihan kung paanong ila-lock iyon. Kakaiba 'yon sa door knobs ng pinto sa bahay namin. Mahaba ang tangkay niyon at may bilog na pinipihit sa ilalim. Pinihit ko iyon pakaliwa, nakangang pinakiramdaman kung nag-lock iyon. Mukhang nagtagumpay ako.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon