CHAPTER 64

188K 4.1K 2.4K
                                    


CHAPTER 64

"HELLO, MAXRILL Won?" Tawag ni Maxrill Won ang bumura sa lungkot ko kinabukasan.

Hindi na naman kasi ako nakapasok dahil parehong hindi pwedeng umabsent sina Bree at kuya. Tinawagan ako at kinausap ng dean, sinabi ko ang totoo. Naintindihan niya pero bakas sa tono ng pananalita niyang maaapektuhan ang final mark ko.

"Hi, my Dainty Arabelle." Sigurado akong nakangiti siya. Pero mahihimigan ang magkahalong lungkot at pagod sa boses niya. "I'm sorry, I've been busy lately. I don't know how to explain my situation but I'm in Cebu right now. Something came up, I got a little tied up. I'm sorry I wasn't able to answer your messages. I hope you're not mad at me."

Umiling ako. "Hindi ako galit, at hindi ako magagalit dahil naiintindihan ko. Pero nag-alala ako sa 'yo no'ng hindi ka na sumasagot sa mga text ko."

"I'm so sorry, and thank you for understanding. I appreciate your patience, Dainty. I miss you."

Napangiti ako sa emosyong naramdaman sa boses niya. "I miss you, too, Maxrill Won." Matunog siyang ngumiti sa kabilang linya. "Narinig ko rin 'yong nangyari kay Kuya Maxwell, sinabi ni nanay."

"It's a long story but to make it short, he was attacked by Yaz's ex-boyfriend and ended up in hospital with a broken arm."

Lalo akong nag-alala. "Kumusta na si Kuya Maxwell?"

"He's okay now, and scheduled to leave the hospital today, we're just waiting for him to wake up. Today's a big day, we're all gonna be busy. I wanted to stay in his room pero lumabas ako kasi ang lakas humilik ni Yaz, pagod at puyat. She's so maingay."

Natawa ako. "Humihilik si Ate Yaz?"

"Ngayon ko lang din naalam." Lalo pa 'kong natawa sa sagot niya. "Congratulations on your exam results, Dainty. Did you like the flowers I sent you?"

Natigilan ako at napalingon sa pintuan. "What flowers?"

"Hmm." Iritableng buntong-hininga ang pinakawalan niya. "I asked someone to deliver it to you. He's late."

Napalingon ako sa labas nang eksaktong may pumarada na sasakyan. "Flowers?" Nilingon ko si tatay nang makisilip din siya. "Saglit lang po, 'tay."

"Dumalaw na yata ang nobyo mo," usyoso niya.

Hindi ko na nasagot si tatay nang may bumabang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng itim na shades, hindi ko agad namukhaan. Tila kumikinang sa liwanag ng umaga at napakalinis tingnan. His sleeves were rolled up, emphasizing the length of his arm. His skinny pants show off his toned legs and slim waist. Lalo naman siyang nagmukhang matangkad sa mahabang sapatos.

"Kuya..." Umawang ang labi ko nang makaharap si Kuya Bentley. Kung hindi ko siya namukhaan, pwede ko nang isiping artista ang dumating. Pero sino ba naman ako para puntahan ng isang artista.

"Hey," kumaway siya, bitbit ang bungkos ng bulaklak at basket ng pruitas sa iisang braso at kamay, saka sinara ang sasakyan niya.

"Nandiyan na siya?" tanong ni Maxrill Won.

"Si Kuya Bentley ang inutusan mong maghatid ng flowers?" hindi ako makapaniwala.

"Yes." Sinagot niya 'yon sa paraang normal niya nang ginagawa ang mag-utos.

Kung gano'n, si Kuya Bentley nga ang inutusan niya. Ako ang nahiya. Hindi na ito ang unang beses na ginawa 'to ni Maxrill Won, kung sino-sino na ang hiningan niya ng pabor sa nakaraan, hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako. Lalo na at doktor si Kuya Bentley, sigurado akong busy siya para utusan na maghatid ng bulaklak at prutas sa 'kin.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon