CHAPTER 22

556K 34.9K 85.8K
                                    

CHAPTER 22

NAKANGUSO KONG sinundan si Maxrill Won nang bigla niya akong talikuran at pangunahan sa paglalakad. Pero hindi pa man kami nakalalayo sa pinanggalingan ay hinarap na muli niya ako. Napaiwas ako upang hindi bumunggo sa kaniyang katawan.

"Fine," aniya saka bumuntong-hininga, hindi ko siya na-gets. "Let's just enjoy this day. Okay?"

Bahagyang nangunot ang noo ko sa pagtataka at saka tumango sa kaniya. "Okay, Maxrill Won."

"Where the hell were you?" bigla na naman ay asik niya, nakasimangot. Binagalan niya ang paglalakad.

"Ha?"

"Ha?" ginaya niya na naman ako ngunit sa naiinis na paraan. "You're such a baby," dinig kong bulong niya nang mag-iwas ng tingin.

Lalo akong napanguso. "Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo, Maxrill Won."

"I just can't understand why you have to say my name in...that freaking way."

"Ha?" naguguluhan ko nang tugon.

"Can't you just..." naiinis siyang huminto sa paglalakad upang harapin ako. Gano'n na lang kalalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya. "Say my name."

Inulit ko sa isip ang utos niya. "Maxrill..."halos maibulong ko na sa kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagagalit siya. Ang mga kamay ko ay panay ang kamot sa magkabila kong braso habang bahagya iyong nakayakap sa akin.

"With Won."

"Maxrill Won..." nakanguso kong sagot.

Tumitig siya sa 'kin, nakatiim ang bagang. "Maxrill Won," may diin, kaswal niyang sinabi ngunit kaylakas ng dating sa akin. Sa paraan na para bang itinatama ako dahil mali ang pagkakasambit ko sa pangalan niya.

"Maxrill Won..." mahina kong tugon.

"It still sounds..." kunot-noo, naaasar niyang sabi ngunit hindi naipagpatuloy. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. "Sweet," patuloy niya, hindi matukoy kung naaasar o talagang gano'n. "I don't...I don't like it." Nag-iwas siya ng tingin.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko maintindihan ang pinupunto niya kahit na simpleng mga salita lang naman iyon. Hindi ko maiwasang isipin na may mali sa pagkakasambit ko sa pangalan niya.

Ano ang ayaw niya? Ayaw ba niyang tinatawag ko siyang Maxrill Won? Napaisip talaga ako. "Ano'ng itatawag ko sa 'yo kung gano'n, Maxrill Won?" inosente kong tanong saka nagbaba ng tingin. Baka naman ako lang talaga ang ayaw niya kaya gano'n... Kaylalim ng pinakawalan kong buntong-hininga.

Tumaas ang kaniyang kilay at muling tumitig sa 'kin. "You're really asking me that question, huh?"

Tumango ako. "Para kasing ayaw mong tawagin kita sa pangalan mo..." nangunot ang noo ko. "Dahil ba sa pagkakasambit ko o dahil sa boses ko o...?"

"O, what?" hindi ako sigurado kung tama bang malambing ang dinig ko sa tanong na 'yon. Malayo sa normal niya nang naaasar na boses.

"O...ako lang talaga 'yong ayaw mo?"gano'n na lang katindi ang idinulot na kaba sa akin ng sarili kong tanong. Dumaragundong na kaba na halos marinig ko sa aking tenga.

Umawang ang labi niya. Napatitig ako doon dahilan para makita ko nang marahan niyang kagatin ang sariling labi...habang nakatingin sa akin. Napapalunok kong sinalubong ang kaniyang tingin.

"There's nothing wrong with my name, it's perfect. It's not you...well, yeah, fine, it is you," masungit na aniya. "It's..." hindi niya maituloy ang sasabihin. "Look," tumiim na naman ang bagang niya.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon