CHAPTER 19

587K 32.9K 76.2K
                                    

CHAPTER 19

"HMM?" ungot ni Maxrill Won nang hindi ako makasagot sa sinabi niya.

Mula sa aking labi ay marahan siyang nag-angat ng tingin upang muling magsalubong ang mga mata namin. Pakiramdam ko ay kinakausap niya ako sa pamamagitan ng tingin ngunit wala akong maintindihan sa mga 'yon. Ang tanging sigurado ako ay nababasa ko ang paghanga sa kaniyang mga mata. At hinihiling kong sana ay hindi ako nagkakamali sa nababasa kong iyon.

"Dainty...Arabelle..." mahina at malambing niyang sinabi. "I really like your name. It suits you."

Napalunok lalo ako ngunit hindi ko inaasahang ang kasunod no'n ay epekto sa paghinga ko. Bumilis ang paghinga ko at kasunod no'n ay ang paghahabol ko. Wala akong nagawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin at bago pa man niya iyon mapansin ay tumalikod na ako.

"You...okay?" nag-aalala niyang tanong, sinilip ang mukha ko dahilan para mapaiwas ako.

"Ano..."

"I'm...sorry," mahinang dagdag niya.

"Hindi," tanggi ko saka humakbang papalayo, papalapit sa ilalim ng puno. Napahawak ako sa dibdib ko at kasunod no'n ay napahawak na ako sa katawan ng puno upang mabalanse ang sarili.

"Hey... Are you okay?" 'ayun na naman ang nag-aalalang tinig niya papasunod sa 'kin. Hindi ko nagawang sumagot. "Dainty..."

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko, hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. "Ayos lang ako."

"Are you sick or something?"

"Hindi..."

"You're obviously having difficulty in breathing, Dainty. Tell me, what's going on?"

Matagal bago ako nakatugon. "May..." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "May hika ako, Maxrill Won."

'Ayun na naman ang pagtitig niya sa 'kin. Pero sa sandaling iyon ay napalitan ng pagtatanong ang paghanga. Ang pag-aalala ay napalitan ng pagtataka. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nag-alala lalo siya.

"Pero...ayos lang ako," pahabol ko para hindi siya na mag-alala nang todo.

"Hmm." Umiling siya nang umiling saka bumuntong-hininga. "So, what's hika?" bigla ay tanong niya.

Napamaang ako. Awtomatiko kong naramdaman ang panghihinayang sa puso ko nang mapagtantong hindi pag-aalala ang dahilan ng nagtatanong niyang mga mata. Kundi ang katotohanang wala siyang ideya kung ano ang hika.

"Asthma," tipid kong sagot saka umiwas sa gawi niya.

Nang maramdaman ko pa rin ang tingin niya sa akin ay muli ko siyang nilingon. Siguro ay wala pa rin siyang ideya kung ano ang asthma. Lalo pa't sa kanilang pamilya ay siya ang naiiba ang linya ng trabaho.

"Hindi ako makahinga kapag..." hindi ko masundan ang sasabihin ko.

"You're in front of me, huh?" lalong hindi ko inaasahang idudugsong niya iyon, seryoso, walang halong yabang o biro.

Umawang ang labi ko. Paano niya nahulaan? "Ano..." agad akong nag-iwas. "Hindi. Hindi ako makahinga kapag..."

"I'm in front of you?" siya na naman ang nagtuloy, inosente, walang halong yabang, lalo nang biro.

Napabuntong-hininga ako kasabay ng panlulumo. "Hindi." Talagang pinanindigan ko ang pagsisinungaling, sana mapagtagumpayan ko.

Makulit si Maxrill Won, pilit na pumupunta sa harap ko. "Then what? This isn't the first time, Dainty. Tell me what's going on or I'll take you to the hospital."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESWhere stories live. Discover now