CHAPTER 39

379K 18.9K 26.1K
                                    


CHAPTER 39

"MAXRILL WON..." pagtawag ko habang ang paningin ay nakatuon sa ginoong 'yon.

Nakasuot ito ng itsurang luma na damit. Kulay abo na pantalon, may kaluwangan para sa katawan nito. Pulang shirt sa loob at may nakapatong na kulay abo ring coat doon. Nakasombrero ito na gaya sa madalas suot ni Direktor Mokz at sapatos na kulay tsokolate ang balat.

Bahagya nitong inangat ang sombrero saka nakangising tumango sa amin, kay Maxrill mismo. Matapos no'n ay nakakaloko pa lalo itong ngumisi na sa edad nito, lalo itong nagmumukhang nakakatakot. Hindi gaya noong makita ko ito sa Palawan, humaba na ang balbas at bigote nitong naghahalo ang puti at kukay abo. May maiitim na rin itong pekas sa mukha bukod sa bahagyang pamumula. Ganoon na lang siguro itong nababad sa arawan sa Palawan.

Nang hindi magsalita si Maxrill Won ay nilingon ko siya at nakita ang galit niyang itsura. Napapikit siya at saka bumuntong-hininga. Nang magmulat ay tumawa siya nang bahagya sa hindi ko malamang dahilan at dumeretso ng tayo. Namulsa siya at saka iniharang ang sarili sa aking harapan. Nag-angat ako ng tingin kay Maxrill Won ngunit tutok na ang paningin niya sa harapan. Muli niyang pinakatitigan ang ginoo na para bang masaya na siyang makita ito. Hindi gaya kaninang pareho kaming nagulat. Natatandaan kong kinausap niya ito noong nasa Palawan kami, kasama at kakilala ng ginoo si Kuya Montrell. Hindi ko lang matandaan ang pangalan ng ginoong ito.

Nagsalita si Maxrill Won sa hindi ko maintindihang lenggwahe, ang kausap ay ang ginoo, at sa nagtatanong na tono. Muli akong nag-angat ng tingin sa kanila.

"Tara na, ate," bigla ay anyaya ni Bree Anabelle na humarang mismo sa harapan nina Maxrill Won at ng ginoo.

"You..." mahina ngunit dinig kong ani Rhumzell, nasa likuran siya ni Bree.

Nang sundan ko siya ng tingin ay nasa ginoo na rin ang kanyang paningin. Awtomatiko akong nilingon ni Rhumzell, puno na ng pag-aalala ang kaniyang itsura. Nilingon niya si Maxrill Won ngunit ang paningin nito ay nakatuon pa rin sa ginoo.

"Dainty," lumapit sa 'kin si Rhumzell ngunit sinalubong siya ni Maxrill Won at humarang sa 'kin.

Nagkatinginan ang dalawa at nang tila magkaintindihan ay hinila ni Rhumzell ang kamay ni Bree Anabelle upang itabi sa akin. Pareho sila ni Maxrill Won na humarang sa harapan naming magkapatid.

"Ano'ng nangyayari?" natutulirong ani Bree saka sinilip mula sa likuran ni Rhumzell ang ginoo.

Umiling ako at hindi man lang nabawasan ang kaba. "Ang lalaking 'yan ay sinusundan yata ako, Bree." Hindi ko naitago ang takot ko at pagkalito. "Sa Palawan pa lang ay naroon na siya. Akala ko ay taga-roon talaga siya at aksidente lang kaming nagkakilala. Ngayong narito siya sa Laguna ay hindi ko na alam."

Nagbaba ng tingin sa akin si Maxrill Won. Hindi ko naitago ang pag-aalala ko. Palihim niyang kinuha ang kamay ko ngunit nanatili ang magkahawak naming kamay sa kaniyang likuran. Saka siya muling nagtanong sa ginoo gamit ang ibang salita na hindi pa rin nito sinagot.

Nagtataka at nagugulat namang nilingon nina Rhumzell at Bree si Maxrill Won. Pero ang paningin ng huli ay nanatili sa nakakatakot na ginoo.

"We will miss the freaking movie," asik ni Maxrill Won saka muling bumuntong-hininga at kinausap ang ginoo.

Sa haba ng kaniyang sinabi ay pangalan lang ni Ate Maxpein ang naintindihan ko.

"Just what exactly do you freaking want, you creepy, freaking geezer?" gano'n na lang kabilis na nagsalita si Maxrill Won, magkahalo ang Ingles at ibang salita, hindi lang inis ang mahihimigan sa boses niya.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon