CHAPTER 20

878K 36.6K 79.7K
                                    

CHAPTER 20

PANAY ANG pag-ikot ko sa kama nang gabing iyon. Hindi ako makatulog sa sobrang pag-iisip kung paanong date ang mangyayari sa 'min ni Maxrill bukas. Hindi ko alam kung anong isusuot ko. Nahihiya akong sumama sa kaniya nang hindi kaaya-aya ang aking itsura.

"Ano ba't kanina pa panay ang ikot mo riyan, Dainty Arabelle?" sa tinig ni nanay ay galit siya, pero sa pagkakatawag niya sa 'kin ay para niya akong tinutukso.

Napanguso ako. "Nanay naman, eh..."

Bumuntong-hininga si nanay at bumangon. "Dainty, hindi ka na bata, naiintindihan mo ba 'ko?"

"Opo. Dalagang-dalaga ka na. Kaya huwag kang umasta na para bang nasa elementarya ka pa."

Hindi ko malaman kung malulungkot ako o ano. "Bakit po kaya nagalit si Maxrill kanina, 'nay?"

"Paano'y date na sa kaniya iyon. Hindi ka pa sumakay, alam mo namang saltikin ang isang 'yon. Sa kanilang magkakapatid ay iyon ang pinaka-spoiled. Nagwawala 'yon kapag hindi nakukuha ang gusto."

Bigla ay napangiti ako. "Kwentuhan ninyo po ako tungkol kay Maxrill, 'nay."

Namapaang ang nanay. "Ano ka ba? Gabing-gabi na."

Ngumuso ako. "Sige na po, nanay."

"Dainty, dalaga ka na, umayos ka nga. Sa t'wing gaganyan ka ay para kang nuebe anyos," ngiwi niya. Napanguso lalo ako. "'Sabagay, iyan yata ang nagustuhan ni Maxrill sa 'yo."

"Hindi naman po ako gusto ni Maxrill."

"Paano mo naman nasiguro?"

Bumuntong-hininga ako. "Napakasungit niya sa akin at mas madalas akong inaalaska." Totoo iyon. "May mga oras na hindi ko inaasahan ang mga sinasabi niya pero..." binitin ko ang sinasabi.

Inalala ko ang mga sandaling nakaramdam ako ng kilig dahil sa mga sinabi at kilos ni Maxrill. Kung ako ang tatanungin ay gustong-gusto kong isipin na sinsero siya sa mga iyon. Pero sa t'wing maaalala kong si Ate Yaz ang mahal niya, sa t'wing napatutunayan ko iyon sa mga kilos at lungkot sa kaniyang mga mata, nagbabago ang isip ko.

"Pero?" pinutol ni nanay ang pag-iisip ko.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi po ako gusto ni Maxrill," nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. "Alam kong si Ate Yaz po ang gusto niya. Nalilibang lang marahil siyang kasama ako."

Tumawa si nanay. "Hindi sa babae nalilibang ang mga del Valle." Siguro siya ng sabihin 'yon. "Sa mga armas at libro, pwede pa."

"Armas po?"

Nakangiwing tumango si nanay. "Mahuhusay sila sa iba't ibang armas."

"Bakit po sila gumagamit no'n?"

"Libangan, Dainty. Libangan."

Umawang ang labi ko. "Grabe naman po silang maglibang, 'nay?"

"Ganoon ang mga Moon, anak."

"Lahat po sa pamilya nila?"

"Hindi man magsisinghusay ay...oo, marunong silang lahat gumamit ng armas."

"Hindi po ba't delikado iyon?"

Umiling si nanay. "Ang mga Moon ang delikado."

Umawang ang labi ko. "Ano po?" nabibigla kong tugon.

Humalakhak si nanay. "Sa sobrang yabang nila ay hindi sila maaaring mahigitan ng kahit ano. Kaya imbes na iyong armas ang sabihan mo nang delikado, iyong mga Moon dapat ang katakutan mo."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon