CHAPTER 37

450K 21.2K 37.3K
                                    

CHAPTER 37

"GOOD MORNING."

Boses ni Maxrill Won ang namulatan ko kinabukasan. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang naroon sa tabi ko, nakahiga patagilid at deretsong nakatingin sa akin. Na para bang kanina pa niya ako pinagmamasdan.

Napalayo ako at marahas na naitabing ang kumot hanggang sa kalahati ng aking mukha. Pakiramdam ko ay namula agad ako gayong binati niya lang naman ako. Naaalala kong nakatulugan ko ang simpleng titigan kagabi, hindi ko alam na posible pala ang ganoon.

"Dito ka natulog?" kabado kong tanong. Hindi ko na talaga natandaan maging ang huli naming pinag-usapan. Sanay akong matulog nang maaga at masyado nang late sa 'kin iyong kagabi.

"You are so demanding, of course not," nakasimangot niyang tugon. "We can't sleep together without your parent's consent, you little brat."

Sumama ang mukha ko. Sa tono at sinabi niya, para bang sinuhestyon o gusto kong matulog kaming magkasama. Gayong tinanong ko lang naman siya kung dito siya natulog dahil nagulat akong namulatan ko siya.

"Can't you just greet me back?" kunot-noo niyang bulong.

"Galit ka ba?"

"No, but you just ruined the most beautiful day of my life." Pabuntong-hininga niya 'yong sinabi. Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Sumimangot ako. "You know, in my coun"

"Gusto ko ng tubig," inunahan ko na siya. Pakiramdam ko ay magmamalaki na naman siya.

"Nenita!" bigla ay tawag niya.

Nanlaki ang mata ko. "Bakit gano'n lang ang tawag mo sa kay Aling Nenita?"

Nagbaba siya ng tingin sa 'kin. "You're not expecting me to call her mom, right?"

"Hindi gano'n ang ibig kong sabihin," inis na akong bumangon. "Ako na lang ang kukuha."

Gano'n na lang ang gulat namin ni Aling Nenita nang pumasok siya at pareho kaming nasa kama ni Maxrill Won. Tuloy, hindi ko alam kung tatalon paalis sa kama. Kapag ginawa ko 'yon ay makikita niya kung gaano kanipis ang suot ko.

"She wants water." Itinuro ako ni Maxrill Won kay Aling Nenita.

Itinanggi ko ang mga kamay ko. "Ako na po, Aling Nenita," nahihiya kong sabi saka sinamaan ng tingin si Maxrill. "Hindi ko inuutos ang kaya namang gawin."Nakokonsensya kong sabi. Bakit pa kasi ako nagtanong, alam ko namang meron silang tubig?

Bumangon ako at lumapit sa ref. "Salamat po, Aling Nenita."

"Sabi ko naman sa 'yo, huwag mo 'kong tawaging Aling Nenita," pinandilatan ako ni Aling Nenita. Humalakhak si Maxrill.

Namangha na naman ako sa laman ng ref ni Maxrill. Mas madami kasi ang beer kaysa tubig doon. Hindi ko tuloy alam kung alin sa dalawa ang iniinom niya sa umaga.

Kumuha ako ng tubig at ipagpapaalam na sana 'yon sa kaniya nang tumango siya, sinasabing gawin ko ang gusto ko. Napahiya na naman ako nang kulang pa ang lakas ko para mabuksan ang water bottle, masyadong mahigpit.

"Give it to me," alok ni Maxrill Won ngunit umiling ako ng pagtanggi at binuksan 'yon mag-isa.

Habang umiinom ay nilingon ko si Aling Nenita na may nanunukso at nagpapalitang tingin sa amin ni Maxrill Won.

"She's so sweet, 'no?" ani Maxrill, si Aling Nenita ang kausap. Ginawa niyang unan ang pareho niyang kamay at deretsong tumingin sa 'kin. "And she's going to be my girlfriend."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon