CHAPTER 62

165K 4.6K 2.6K
                                    

AUTHOR'S NOTE: My sincere apologies, nagkamali aka ng upload ng chapters. Thankyouuuu! <3


CHAPTER 62

HEURT PARK...

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon dahil sa mga tanong sa isip ko.

Heurt Park ba ang tunay na pangalan ni nanay? Nakapanlulumo. Nakalulungkot na ang tagal ko na siyang kilala pero parang hindi ko siya nakilala talaga. At nakagugulat marinig iyon mula sa taong minsan ko lang nakilala at nakasama. Hindi ko mapagdugsong-dugsong.

Sa Palawan ko lang nakilala si Kuya Bentley, wala rin halos akong nalalaman sa kaniya. Bukod sa kaibigan siya nina Kuya Maxwell, Kuya Randall at Ate Keziah, kaibigan din siya ni Maxrill Won. Iyon lang ang alam ko, wala na. Kaya bakit sa kaniya ko pa maririnig iyon? Ano ang alam niya kay nanay? Nalilito ako.

Bumangon ako at naupo sa kama. Hindi talaga ako makatulog sa dami ng tanong sa isip ko.

Nilingon ko si Bree Anabelle nang magdesisyong mag-usisa. Tulog na siya, magkasama silang gumala ni kuya kanina gamit ang bago naming sasakyan. Sigurado akong marami siyang alam pero tingin ko, hindi niya kilala si Kuya Bentley. Maliban na lang kung nakilala niya na ito bago ko pa makilala ang lahat ng myembro ng pamilya ni Maxrill Won.

Kinabukasan naman ay masyadong abala si nanay sa paghahanda ng agahan, panay rin ang sagot niya sa magkakasunod na tawag kasabay niyon. Mukhang may kinalaman sa The Barb ang pinag-uusapan nila ng tumatawag.

Lumabas ako para usisain si Bree. Abala sila ni Kuya Kev sa paglilinis sa bago naming sasakyan, kahit pa hindi naman marumi iyon. Bagong-bago pa iyon at wala halos bakas na nagamit na. Itatayo rin nila ang canopy tent na magsisilbing pansamantalang silong at garahe ng sasakyan. Ingat na ingat talaga sila.

"Kuya, alin ba ang pipindutin dito?" tanong ni Bree Anabelle.

Nakita ko ang sarili sa kaniya na nagpa-panic noong unang beses na sumakay ako sa kotse. Pakiramdam ko, may masisira ako oras na magkamali ng pindot.

Nakiusisa ako at tiningnan ang napakaraming pindutan na tinutukoy niya. "May ganyan din sa sasakyan ni Maxrill Won," pagbibida ko.

"Paano lalakasan yung tugtog, ate?" ani Bree na naroon pa rin ang paningin. "Maraming beses naman na 'kong nakasakay sa sasakyan ng iba pero hindi ako nagpipindot, hehehe."

"Ito," natandaan ko na.

Nakangiti kaming tumingin ni Bree sa isa't isa. Kasabay ng paglakas ng tugtog ay lumapad ang mga ngiti namin.

"Hindi ako makapaniwalang may sasakyan na tayo, ate. Binalita ko nga agad sa mga kaibigan ko," ani Bree.

Lalo akong napangiti. "Nakakatuwa nga, hindi na mahihirapan si tatay na pumunta sa ospital."

"Hindi na kayo mahihirapan ni tatay," ani Kuya Kev, ingat na ingat sa paglilinis ng mga bintana.

"Hindi naman marumi ito, bakit ninyo nililinis?"natatawa ako.

"Kailangan nating ingatan 'tong regalo ng boyfriend mo, ate," ani Bree. "Grabe, ang lakas ng aircon nito, ate!"

"Oo nga, Bree. At gustong-gusto ko ang kulay."

"Alam na alam ni Maxrill kung paanong huhulihin ang kiliti mo, ate!"

Napangiti ako sa katotohanang 'yon. Hindi ko matandaang may sandali na nalimutan ni Maxrill Won kung ano ang gusto ko. Nabibigla na nga lang ako t'wing alam niya ang lahat sa 'kin.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon