CHAPTER 51

392K 15.1K 19.9K
                                    

CHAPTER 51

INIHATID AKO ni Maxrill Won nang gabing 'yon. Kahit pa pinilit ako ni Lolo Mokz na makituloy dahil napakarami raw nilang guest rooms at walang hotels na papantay sa ganda ng mga 'yon—umuwi ako. Matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Maxrill Won, hindi ko kayang manatili sa bahay nila.

Ni hindi ko na nga siya nagawang tingnan pa uli matapos no'n. Hindi na kami nag-usap sa daan pauwi. Naihatid niya ako sa bahay nang pareho kaming naiilang. Nagsalubong lang yata ang paningin namin nang magpaalam siya kina nanay. Magaan ang halik niya sa pisngi, sentido at noo ko. Hindi gaya nang madalas niyang ginagawa. Maging ang yakap niya ay sandali at magaan lang. Lahat 'yon ay dahil nahihiya kami sa isa't isa. Mula nang sandaling 'yon hanggang sa paghiga ko sa kama, ramdam ko ang init ng mukha ko. Kahit siya ay namumula kanina at hindi ako matingnan sa mga mata. Nakakahiya talaga!

Nagtago ako sa ilalim ng kumot nakabaluktot na tumalikod sa gawi ng kama ni Bree Anabelle. Nakagat ko ang labi ko nang alalahanin ang sandali bago mangyari ang lahat nang 'yon. Inisip ko kung ano'ng dahilan para umabot kami ni Maxrill Won sa gano'n. Nang maalala ko, lalong nag-init at namula ang mukha ko. Natakpan ko ang mukha ko at sinisi ang sarili dahil alam kong kasalanan ko 'yon. Ako ang dahilan para umabot kami sa gano'n.

Nakakuyom ang palad, mariin akong pumikit habang kagat ang sariling labi. Hindi na pwedeng mangyari ulit 'yon. Nag-aalala ako, baka kung ano'ng isipin sa 'kin ni Maxrill Won.

Nakatulugan ko ang pag-iisip. Nang magising ay tiningnan ko agad ang cellphone ko at magkasunod na ngumiti at nalungkot matapos makita ang missed calls at texts ni Maxrill Won. Sa oras na 'to, nasa Palawan na uli siya siguro. Nag-text kasi siya bago umalis.

Ano kayang ginagawa niya? Nilingon ko ang bintana, putok na ang araw. Kumain na kaya siya?

Napabuntong-hininga ako. Kagabi lang ay parang ayaw ko na siyang makita dahil sa kahihiyan. Pero ngayon, kahit alam kong babalik siya, nalulungkot ako dahil magkalayo kaming dalawa.

"Kumusta ang lakad ninyo ni Maxrill Won?"tanong ni nanay nang tulungan ko siyang maghanda ng agahan.

"Ayos lang po, 'nay." Nakagat ko ang sariling labi nang maalala na naman ang nakahihiyang sandali namin.

"Napasugod dito ang isang 'yon dahil hindi ka sumasagot sa tawag at texts niya, nabanggit ba sa 'yo?" tanong ni nanay habang nakatalikod kami sa isa't isa. Siya ay abala sa tinatapos na sinangag. Habang ako ay kumukuha ng gagamitin naming mga plato.

"Opo, 'nay."

"Gano'n ang mga Moon."

Napabuntong-hininga ako, hindi malaman kung matatawa. Pero parang lumulobo ang puso ko sa pakiramdam. "Kakaiba po sila, 'nay."

"Pare-pareho silang mainipin."

Napangiti ako saka lumingon sa kaniya. "Moon na rin po kayo, hindi ba, 'nay?"

Nakita ko nang matigilan si nanay saka tumingin sa 'kin at nangiti. "Oo. Dahil sa Ate Maxpein mo. Tinanggap ako ng pamilya nila."

"Mabait po kasi kayo, 'nay. Kahit sinong pamilya...tatanggapin po kayo," medyo naging emosyonal ako nang sabihin 'yon. "Hanggang ngayon po, nagpapasalamat ako na kayo ang naging nanay ko. Salamat po dahil pinili ninyo kaming maging pamilya." Tuluyan na akong naging emosyonal habang nakatingin kami sa isa't isa. "Kahit pa po hindi ninyo kami anak nina Bree at kuya."

"Dainty..." napabuntong-hininga si nanay saka iniwan ang ginagawa para lumapit at yakapin ako. "Kahit sinong babae, may anak mang nauna o wala, pipiliin kayong maging anak. Dahila mabubuti kayong bata."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon