"AKING BUWAN"
Love Without Boundaries Official Theme SongLyrics and Composition: JRT Music
Gusto kitang samahan sa ilalim ng ulan
Gusto kitang tabihan nang walang alinlangan
Da ra ra ta da rum (6x)
Stanza 1:
Ikaw ang may kaarawan
Ngunit ako ang naregaluhan
At sa unang pagkakataon ay umibig ako
Sa sandaling mukha mo'y masilayan
Refrain 1:
Sa lawak ng kalawakan
Bituin ma'y nagsasayawan
Isa lang ang nais na titigan
'Yon ay ikaw, aking buwan
Chorus:
Gusto kitang samahan sa ilalim ng buwan
Gusto kitang tabihan nang walang alinlangan
Maaari ba'ng ika'y maging akin?
Ang katulad ko ba'y iibigin?
Mundo man nati'y magkaiba
Sigurado na akong...gusto kita
Stanza 2:
Kaysarap sa pakiramdam
Saya na tila alon sa aking dibdib
Bawat sandaling nagtatagpo
Tinig mo'y dumaragundong
Sa pandinig, hanggang sa puso
Refrain 2:
Ngunit habang tumatagal,
Unti-unti kong nasusukat
Ang distansya mong malayo sa buwan
(Repeat Chorus)
Bridge:
Hahayaan na lang ako'y dalhin
Nang damdaming ikaw ang isinisigaw
Pagmamahalang walang hangganan...aking ipaglalaban
Gusto kita...

YOU ARE READING
LOVE WITHOUT BOUNDARIES
RomanceLove Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as y...