CHAPTER 42

384K 19.3K 34.5K
                                    

CHAPTER 42

MAGMULA NANG kausapin ni Maxrill Won si Gideon nang may awtoridad, naging mailap na ito sa 'kin. Hindi lang nang araw na 'yon nang makabalik ako sa klase. Naging nang sumunod pang mga araw. Hindi niya na ako tinitingnan at sa t'wing madaraanan o masusulyapan ko siya ay parang takot siyang nag-iiwas ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. Nasanay akong ako ang umiiwas sa tao at bukod kay Bree, si Gideon lang ang gumawa no'n sa 'kin. Kaya naman nang hindi ako makatiis ay nilapitan ko siya matapos ang klase at wala si Maxrill Won sa labas ng room namin.

"Ano...Gideon," nahihiyang pagtawag ko.

Nagulat siya sa tinig ko at napalingon. Ngunit nagmamadali niyang kinuha ang mga gamit at isinabit ang bag sa kaniyang likuran. "'Wag mo 'kong kausapin, Dainty. Baka magalit sa 'kin ang boyfriend mo at pagbantaan na naman ang pamilya ko."

Natigilan ako at malungkot na bumuntong-hininga. "Hihingi lang sana ako ng sorry sa sinabi ni Maxrill Won," paghabol ko nang akma siyang aalis na.

Natigilan si Gideon at nag-aalinlangan man ay nalilito niya akong nilingon. Para bang kwestyunable sa kaniyang humingi ako ng sorry. Ako man ay naiisip kung tama bang gawin ko 'yon gayong alam ko ring kaya ginawa ni Maxrill Won 'yon ay dahil sa pang-aalaska niya sa akin. Pero pakiramdam ko ay kailangan kong gawin 'yon dahil dama ko talaga ang takot at pag-iwas niya. Hindi ako komportable ro'n. Kung may awtoridad at kakayahan man si Maxrill Won, ako ay wala. At hindi niya kailangang makaramdam nang ganito sa 'kin.

"Pasensya ka na, ayaw lang kasi Maxrill Won nang may nagbibiro nang ganoon sa akin." Ako na ang nagsalita nang hindi siya tumugon. "Mabait si Maxrill Won," muling pahabol ko, ang kamay ay magkahawak at ang mukha ay tila nagpapaliwanag. "Sadyang...hindi lang talaga maganda ang naging biro mo...lalo na sa paa ko."Nagbaba ako ng tingin.

Naramdaman kong mag-alinlangang magsalita si Gideon at makailang lingon sa labas bago muling tinuon ang paningin sa 'kin. Muli akong bumuntong-hininga, naghihintay sa sagot niya. Talagang umaasa ako na tatanggapin niya ang paumanhin ko. Dahil ayaw kong may kasamaan ng loob sa klase kahit pa tahimik lang ako parati sa isang tabi.

Sandali pa siyang nag-alinlangang tumingin sa 'kin. Bumuntong-hininga rin siya saka tipid na ngumiti sa 'kin. "I was not expecting an apology, Dainty," mahina niyang sinabi, puno ng hiya ang tinig. "You're so kind," lumungkot bigla ang kaniyang tinig at saka tumitig sa 'kin.

Nilabanan ko ang titig niya at saka ako ngumiti. "Wala namang dahilan para hindi maging mabait, Gideon."Bumuntong-hininga ako at saka muli pang ngumiti. "Iyon ang pinakamadaling gawin sa mundo."

Umawang ang labi niya at emosyonal na napatitig sa 'kin. Nailang siya at nagbaba ng tingin saka muling bumuntong-hininga. "I'm really sorry, Dainty. Kung...hindi pa ako makaramdam ng takot sa boyfriend mo..."

"Ano..." inunahan ko siyang magsalita, nahihiya. "Hindi ko siya boyfriend."

Natitigilang nag-angat muli ng tingin sa 'kin si Gideon. "Anyway, 'ayun nga," nakamot niya ang tenga at saka pinamulahan ng mukha. "Again, I'm really sorry. Sorry dahil sinanay ko ang sariling pinipintasan ang..." naiilang siyang nag-iwas ng tingin at pinigilan ang sariling tingnan ang paa ko. "Sorry talaga."

"Ayos lang 'yon, Gideon. Naiintindihan naman kita at alam kong...nadala ka lang sa ginagawa ng iba. Sana 'wag mo hayaang maimpluwensyahan ka sa biro ng iba kasi..." ngumiti ako ngunit pinigilang maging emosyonal. "Minsan ang biro sa inyo ay nakakatawa pero nakasasakit ng damdamin at nakaraan ng iba."

Napatitig muli siya sa 'kin at binalot ng konsensya. "Naisip ko lang 'yan nang magkamali akong biruin ka. Sorry talaga, Dainty. Thank you."

"Pinatatawad kita, Gideon. Sana 'wag mo nang gawin sa iba...o huwag mo na talagang ulitin kahit anong mangyari."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon