CHAPTER THREE

671K 31.3K 72.2K
                                    


CHAPTER THREE

"WOULD IT be fine if I take Maxrill home first?" napapahiyang ani Rhumzell nang makatulog ang katabi niya, ilang minuto pa lang tumatakbo ang sasakyan. "He's drunk,"alinlangang aniya.

"Hala," napanguso ang kapatid ko.

Napabuntong-hininga naman ako. My kind of baby... Muling umalingawngaw sa pandinig ko ang sinabi niya, napapikit ako nang mariin para mawala 'yon.

"Napakaaga namang uminom ng batang 'yan?" nangangaral ang tinig ni nanay. "Ikaw ba ay nakainom din, Rhumzell?"

"Hindi po, tita. Actually, maaga pa lang ay nandoon na ang mga Moon sa bahay po. Umalis na sila at naiwan itong si Maxrill po."

"Bakit nalasing iyan?"

Nagkibit-balikat si Rhumzell. "Pareho silang uminom ni Kuya Maxwell po. Nagparamihan pa ng inom po, tita."

Ako ang nahihirapan sa pananalita ni Rhumzell. Para bang hindi niya alam kung saan tamang ipupwesto ang paggalang sa sentence niya. Hindi ko maiwasang isipin na hindi siya sanay gamitin iyon. Maliban na lang kung sanay silang mag-usap sa Ingles gayong ganoon ang accent niya.

Napabuntong-hininga si nanay. "Maigi nga sigurong iuwi na muna ito at baka magalit si Maze."

Gusto kong malungkot dahil hindi ko pala makikita nang matagal si Maxrill ngayon. Gano'n kabilis na nawala ang excitement ko para sa party at kinokonsensya ako no'n. Napaka-unfair ko kay Rhumzell gayong napapansin kong panay ang tingin niya sa 'kin mula sa salamin sa kaniyang harapan. Nang minsang magtama ang paningin namin ay nakita ko pa siyang ngumiti.

Inihatid nga namin si Maxrill sa mansyon ng mga Moon. Gano'n na lang ang gulat ko sa dami ng pumaroon upang sunduin ang bunso nila. Naroon si Ate Maxpein, Tiyo More, Tiya Maze at Lolo Mokz. Para bang ganoon na lang kabigat si Maxrill para silang apat pa ang magbuhat.

"Aigoo!" sabi ni Lolo Mokz nang akayin si Maxrill sa kaniyang balikat. "Iba pala ma-in love ang batang 'to." Gano'n na lang ang gulat ko nang sulyapan niya ako.

Napatango ako, nakasanayan na ang ganoon nilang kultura. "Magandang gabi po, Lolo Mokz." Gusto ko tuloy mahiya kasi hindi man lang kami lumabas ni Bree. Tanging sina nanay at Rhumzell ang humarap sa mga Moon.

"Napakaganda mo naman ngayon, hija,"ngiti ni Lolo Mokz saka nilingon ang kapatid ko. "Oh, hello, Bree!"

"Hello po, Lolo Mokz!" magiliw na tugon ng kapatid ko. "Pakibantayan na lang po si Maxrill," tila kiniliti na naman siya sa pagkakaupo.

Gano'n na lang tuloy ang pagtataka at pagtawa ni Lolo Mokz sa naging reaksyon niya. "Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!" Hindi ko na naman inaasahang lilingunin ako ni lolo. "Nakakatuwa ang buhay paminsan-minsan, ano?"

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Maging ang kapatid ko ay mukhang nalito.

"Bukas ay paparoon na sa America si Maxrill kasama ang kuya niya. Kukuha siya ng kung ano-anong degree na maipagmamayabang sa buhay," ngiti ni Lolo Mokz.

Seryoso siya ngunit hindi ko napigilang matawa. Natakpan ko ang bibig ko at nagbaba ng tingin. Ngunit nang rumehistro sa 'kin ang katotohanang pupunta na sa America si Maxrill para mag-aral ay napuno ako ng lungkot.

Hindi ko na siya makikita.

Napatitig ako sa natutulog na mukha ni Maxrill at hinayaan ang sarili kong abusuhin ang pagtitig. Hindi ko maintindihan kung bakit parang lalong naninikip ang suot ko habang isa-isang tinitingnan ang pagiging perpekto niya. Tiningnan ko siya nang may paghanga mula sa buhok, mga mata, ilong at magkabilang pisngi. Mas nanikip ang suot ko nang mapatitig ako sa kaniyang labi. Habol ko ang hininga nang bawiin ang sariling tingin.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon