CHAPTER 45

483K 21.8K 43.3K
                                    

CHAPTER 45

"I'LL TAKE them home," presinta ni Maxrill Won nang matapos kaming kumain. "Give me the keys, Dirk," sandali pa siyang nakipag-usap kay Tiyo Dirk.

Wala sa sarili akong napatitig sa kaniya at napagmasdan siyang magsalita, lumingon, tumango at pagkunutan ng noo sa kaniyang mga kapatid. Tila naging mabagal ang lahat sa paningin ko habang nasa kaniya ang mga mata ko. Tuloy ay hindi ko namalayang nangingiti na pala ako sa simpleng pagtingala lang sa kaniya, gaya noong mga gabing nakatingin ako sa buwan.

Pero hindi nagtagal at naramdaman niya ang pagtitig ko. Nagbaba siya ng tingin sa akin, saka ako biglang inakbayan. Hinapit niya ako papalapit, hindi inaalala kung sino ang makakita.

"What are you looking at?" pabulong niyang tanong, sinadyang ilapit ang bibig sa pandinig ko, naramdaman ko nang langhapin niya ang aking buhok.

"Ano..." mahinang sabi ko saka siya nilingon. "Pasensya ka na kay tatay, Maxrill Won."

Talaga yatang hindi na mawawala ang hiya na nararamdaman ko. Sa sandaling ito, ni hindi ko matagalang tingnan ang mga Moon dahil sa inasal ng tatay ko. 'Ayun na naman 'yong pakiramdam na sa kabila ng mga pinakita at sinabi ng mga Moon sa akin, ganito ang sukli ni tatay kay Maxrill Won. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko at sa sobrang kahinaan ko, gusto ko na lang maiyak kanina. Kahit pa, tila ako lang ang apektado dahil parang walang nangyari kung umasta ang mga Moon.

"It's okay," pabulong pa ring tugon ni Maxrill Won, hinaplos ang pisngi ko at hindi na inalis ang kamay sa mukha ko. "I'm telling you, Dainty, I'll do everything for you. Kahit everyday pa 'kong pagalitan ni father mo."

"Tss, sa 'kin lang kasi takot 'yan," pang-aasar muli ni Ate Maxpein dahilan para maibsan ang hiya ko kahit papaano.

Natawa ako sa biro niya at nilingon si Maxrill Won. Pero pakiramdam ko ay hindi niya inalis ang panigin sa 'kin kahit pa nagsalita ang ate niya. Kung tumitig siya ay para bang isa akong milagro na harap-harapan niyang nakikita. Ang paghanga ay mababasa sa kaniyang mga mata, ang nararamdaman ay nakaguhit sa kabuuan ng kaniyang mukha.

Hindi ko alam kung sapat pa bang sabihin ko na masaya ako dahil nakikita ko ang tunay na nararamdaman sa 'kin ng lalaking ito. Ang totoo, hindi niya na nga kailangang sabihin 'yon. Kung itanggi man niya ay hindi ko rin siya paniniwalaan. Bakas na bakas 'yon sa kaniyang itsura, lalo na sa kaniyang mga mata. Na wala mang kakayahang magsalita, parang napakaraming sinasabi.

"Salamat po uli," nakangiting sabi ko nang ihatid kami ng pamilya ni Maxrill Won sa sasakyang gagamitin niya panghatid sa aking pamilya.

"I'm going back to Palawan later so, I'll see you again next time, Dainty," ani Kuya Maxwell na hinaplos ng daliri ang pisngi ko.

"Tsk, tsk, tsk," ingit ni Maxrill Won saka ako hinapit papalapit sa kaniya.

"What?" nakangising ani Kuya Maxwell. "Possessive freak, I'm already taken."

"So am I," ngisi ni Maxrill Won.

Ngumisi rin si Kuya Maxwell. "Hmm."

"Hmm." Nakangising umiling si Maxrill Won sabay sulyap sa akin.

Matunog na buntong-hininga ni Ate Maxpein ang pumigil sa dalawang lalaki saka tinapik sa balikat si Nanay Heurt. "Una na kami."

"Mag-iingat kayo," tugon ni nanay.

"Aba, sila ang mag-ingat sa 'min," mayabang na sagot ni Kuya Deib Lohr. Nagkatawanan pa ang mga naroon at sandali uling nagdaldalan bago natapos ang paalaman.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon