CHAPTER 61

282K 6.1K 6.7K
                                    


CHAPTER 61

"THANKS, HEURT." Nakangiting nagpasalamat si Maxrill Won kay nanay nang maihatid ako sa bahay kinaumagahan. "Hey, cutie," baling niya kay Nunna nang masulyapan ito, napangiti ako.

Kahit pareho kaming may alagang aso, kahit pareho kaming mahilig sa mga hayop, ramdam kong lamang ang pagmamahal ni Maxrill sa kanila. Iba ang paraan niya ng pakikisalamuha kay Nunna. Ang totoo, maging kung paano niya hagurin sa noo at tainga ito, parang may emosyon. Kung tumingin sila isa't isa ay para bang nagkakaintindihan talaga.

May kung anong damdamin na makikita kay Maxrill Won sa t'wing kausap ang mga aso. At gusto kong maging gaya niya.

Gusto kong lumalim din ang damdamin ko sa mga hayop, hindi lang sa aso. Gusto kong magkaroon ng koneksyon sa mga ito. At kung maaari, gusto ko ring maintindihan ang mga hayop sa lahat ng paraan kahit pa hindi kami mag-usap gamit ang salita.

Nag-uusap na sina Maxrill Won at nanay pero panay pa rin ang titig at pagkamangha ko sa kaniya. Panay lang ang ngiti ko habang nagpapalitan ng tingin sa kanila, wala namang maintindihan.

Paano niya kaya nagagawa ang gano'ng connection sa mga hayop? Magagawa ko rin kaya ang gano'n?

Nakatutuwang malamang alam ni tatay ang pagtulog namin nang magkasama at solo. Hindi niya kami pinagalitan. Iyon nga lang, hindi niya pa rin hinarap si Maxrill Won. Sinabihan din akong sa susunod, umuwi na agad kung alam kong uulan nang malakas o may parating na bagyo. Ni ayaw niya nang gagabihin ako. Para hindi na ako nakikitulog sa labas gayong may sarili naman daw kaming bahay. Syempre, sinabi niya ring hindi tama na matulog kami nang walang ibang kasama. Bagaman hindi namin sinabing magkatabi kaming natulog ni Maxrill Won. Napakaraming nangyari at hindi ko kayang ipaliwanag sa kanilang lahat 'yon. Hindi ko nakuhang malungkot kasi patunay lang 'yon na payag siyang masundan ang paglabas namin ni Maxrill Won. Gano'n na lang kadaling nawala sa isip ko ang kahindik-hindik na panaginip ko nang dumaang gabi.

"Nag-enjoy ba kayo?" tanong naman ni nanay na inayos ang buhok ko. Sigurado akong gusto niya akong marinig magkwento.

Nagkatinginan kami ni Maxrill Won. Pareho kaming nagulat ni nanay nang kunin ng aking nobyo ang suklay at pinagpatuloy ang pag-aayos sa buhok ko.

"Of course." Siya rin ang sumagot. "Your hair is so beautiful, Dainty Arabelle," dagdag bulong niya sa 'kin.

"Plano ko ngang pagupitan, Maxrill Won."

"Hmm?" ungot niya. "It's rainy season so it's not that hot, you can keep it this long."

Napangiti ako. "Bakit?" Nilingon ko siya.

Sinulyapan ni Maxrill Won si Nanay Heurt, nakanguso, dahilan para tingnan ko rin si nanay. Ngingiti-ngiti niya kaming pinanonood at basta na lang inilingan.

"Long hair suits you," inilapit niya ang mukha sa pandinig ko. "It's attractive."

Umiwas ako at nahihiyang sinulyapan si nanay bago muling bumaling kay Maxrill Won. "Sige."

Hindi ko inaasahang ikukwento ni Maxrill Won ang nangyari sa restaurant, nahiya naman ako lalo na nang natuwa si nanay. Panay naman ang ngiti ko nang makitang palihim ding ngumiti si tatay. Naroon lang siya sa sala, medyo malayo at hindi nakaharap sa amin. Tutok lang siya sa pinanonood sa TV.

Kung hindi pa mag-ring ang cellphone ko, baka hindi ko na naalis pa ang pagtatakip sa mukha ko sa hiya. Sa tono ng pagkukwento ni Maxrill Won, talagang pinagmalalaki niya ang maliit na bagay lang namang ginawa ko. Kung ako ang tatanungin, mas maraming kahanga-hangang taglay ang pamilyang Moon. Napakababait nila at matulungin. Utang ko sa kanila ang mahigit sa kalahati ng buhay ko.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon