CHAPTER 15

960K 36.3K 56.9K
                                    

CHAPTER 15

"ANO PO kayang dahilan kung bakit hindi nakapunta si Maxrill, 'nay?"

Hindi ko mapigilan ang mag-alala. Lumalalim na ang gabi pero iyon pa rin ang laman ng isip ko. Gusto kong sisihin ang buwan na natatanaw sa kinahihigaan ko pero wala naman iyong kasalanan. Wala namang nagsabi na isipin ko si Maxrill hanggang sa oras na ito, sarili kong kagustuhan ito at sadyang kayhirap niyong pigilan.

"Madalas talaga ay abala ang mga Moon,"inaantok nang sagot ni nanay, nakapikit na nang lingunin ko. "Nasisiguro ko namang magpapakita iyon at magpapaliwanag sa 'yo."

Napalobo ko ang aking bibig, pakiramdam ko ay namula ako sa kaniyang sinabi. Bakit naman siya magpapaliwanag sa akin? Hindi niya naman kailangang gawin 'yon... Napabuntong-hininga ako at muling tinanaw ang buwan mula sa kinaroroonan ko. Napakaliwanag niyon at animong kumikinang.

"Ayos lang po kaya siya, 'nay?" talagang hindi ko mapigilan ang magtanong.

Kahit na magdamag kong kasama si nanay, kahit na alam kong wala rin siyang ideya sa kinaroroonan at dahilan ni Maxrill, paulit-ulit ko siyang tinatanong. Meron kasi sa 'kin na gustong mapalagay mula sa sagot ng iba.

"Nasisiguro kong ayos lang siya," hindi na naisara nang todo ni nanay ang bibig nang isagot 'yon, antok na antok nang talaga. "Matulog ka na...Dainty, anak. Magpapakita iyon at magpapaliwanag sa 'yo. Gano'n ang mga Moon."

"Hindi naman po kami magkaano-ano, 'nay."

"Kahit pa isang araw pa lang kayong nagkakilala...babalikan ka no'n para ipaliwanag kung bakit hindi nangyari ang 'pinangako nila. Maniwala ka sa 'kin, matulog ka na."

Ngumuso ako at bumuntong-hininga. Tinanaw ko muli ang buwan at malungkot na ipinagpatuloy ang pag-iisip.

Sana ay ayos lang siya...

Sinulyapan ko pa nang minsan si nanay, tulog na tulog na siya. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang mahiga. Pero kasabay ng pagpikit ko ay ang hindi inaasahang kulog. Nang magmulat ako ay saka ko nakita ang panibagong kidlat na nasundan nang dumaragundong na tunog.

Napabangon ako at tinanaw ang kalangitan. May kabilisan ang galaw ng mga ulap. Napanguso ako at muling naalala si Maxrill. Nilingon ko si nanay pero tulog na tulog na siya.

"Nanay..." pagtawag ko. Napanguso ako nang hindi siya gumising. Napagod siguro siya. "Baka po napaano si Maxrill, 'nay..." hindi talaga matapos ang pag-aalala ko.

Hindi pa iyon doon natapos at sa halip ay mas tumindi pa nang muling kumidlat at kumulog. Napatayo ako nang kasunod niyon ay bumuhos ang malalakas na patak ng ulan na may dalang malakas ding hangin.

"Nanay..." talagang nag-aalala ako.

"Dainty, ano ba?" naroon na ang pagiging istrikto sa tinig niya.

Nakanguso ko siyang nilingon. "Baka po napaano si Maxrill."

Bumuntong-hininga siya. "Hindi bagyo ang magpapahamak sa isang 'yon, mahiga ka na."

"Nanay naman, e..."

"Maniwala ka sa akin, matibay ang buto niyon,"kunot-noo niya nang sabi ngunit hindi mabawasan ang pag-aalala ko.

"Paano po kung na-stranded siya sa kung saan at kailangan ng tulong?"

"Paano kung hindi?" buntong-hininga ni nanay saka bahagyang bumangon. "Ano ba't kung ano-ano ang iniisip mo?"

"Nag-aalala po kasi ako."

Bumuntong-hininga siya at tumitig nang matagal sa akin. "Kasama niya si Yaz, anak. Matulog ka na."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon