CHAPTER 46

453K 19.1K 23.7K
                                    

CHAPTER 46

"I'M SO in love with you, Dainty Arabelle," emosyonal na bulong ni Maxrill Won matapos pakawalan ang labi ko. Magkadikit ang aming noo at marahang naghahabol ng hininga. Hawak niya pa rin ang mga pisngi ko at tila ayaw nang pakawalan pa. "I'm in love with your name too,"bahagya siyang tumawa.

Napangiti ako. "Ako rin," halos kilabutan ako sa hiya matapos 'yong aminin.

Sinalubong niya ang mga mata ko at ngumiti, tuwang-tuwa. "You're in love with me, too? Really? Since when?"

Natigilan ako at naiilang na nag-iwas ng tingin pero marahan niyang ibinabalik sa kaniya ang aking paningin.

"Since when?" tanong uli niya na para bang hindi niya ako titigilan hangga't hindi naririnig ang sagot ko.

"Simula nang makita kita," kakaiba sa pakiramdam ang aminin 'yon. Parang lahat ng parte ng katawan ko ay kinikiliti at wala akong magawa para mapahinto 'yon.

"Ano'ng naramdaman mo nang makita mo 'ko?"gano'n na lang kahina ang boses niya, at kakatwang maging 'yon ay dumaragdag sa nararamdaman ko.

Gusto ko siyang biruin at asarin, gaya ng madalas kong ginagawa sa kaniya. Pero masyadong masarap sa pakiramdam ang sandaling ito. Kararating lang namin pero parang ayaw ko na itong matapos.

Nag-angat ako ng tingin at kusang napangiti nang muling umalon ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Gano'n ang epekto sa akin ni Maxrill Won. Ang makita lang ang mukha niya, parang umuulit ako sa umpisa. Kung paanong nabuo ang feelings ko sa kaniya. Hanggang sa kung paano iyong lumalim, at tumindi nang suklian niya ang nararamdaman ko.

"Ang totoo...ikaw ang pinakagwapong lalaking nakita ko." Ngumuso ako nang nakangiti matapos maghalo ang hiya at tuwa sa pakiramdam ko.

Hiya dahil natural ang makaramdam niyon lalo na kung ganitong tutok na tutok siya sa pakikinig habang inaamin ko ang nararamdaman ko. Tuwa dahil nakaukit sa buong mukha niya, hindi lang interes, kundi ang kagustuhang malaman ang lahat sa 'kin.

"Natatandaan ko pa no'ng sandaling naglakad kayo papasok ng pamilya mo," Nakangiti kong inalala ang sandaling 'yon ng birthday niya. "Kung paano kang ngumiti sa mga bisita..." lalo pa 'kong nangiti. "Kung anong itsura mo, kung anong suot mo...kung paano kang maglakad, ang tunog ng boses mo, ang pagtawa mo...kung paano kang magsalita...kung paano mo 'kong nilingon...kung paano mo 'kong tinawag at kinausap..."tuloy-tuloy kong sinabi 'yon, ako rin ang hiningal. "Lahat ng sinabi mo nang gabing 'yon...hindi ko nalilimutan, Maxrill Won," dagdag ko.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga pisngi ko, ramdam ko ang pagpipigil niyang panggigilan ako. "So, you fell in love with me first, hmm?" Panay ang haplos ng hinlalaki niya sa ilalim ng mga mata ko. "But I fell harder."

Sinalubong ko ang mga mata niya at saka kami nangiti sa isa't isa. "Salamat, Maxrill Won," pakiramdam ko ay emosyon ko ang nagsabi no'n para sa 'kin. Mabilis no'ng pinag-init ang mga mata ko. "Salamat dahil kahit ganito ako, nagustuhan mo 'ko."

Nanatili siyang nakangiti, hindi nagsalita, tila hinihintay lang ang iba ko pang sasabihin. Kahanga-hangang alinman sa ginagawa niya ay hindi mapigilan ang paglalabas ko ng damdamin. Siya lang talaga 'yong dahilan pero nagagawan ko ng paraan. Siya lang 'yong kahit kinakabahan, kinakaya kong harapin. Dahil sa kaniya, nahihiya man ako, kaya kong magpakatotoo. Siya 'yong dahilan para sumugal ako at sumubok. Siya 'yong takot na nagbibigay ng tapang at lakas ng loob.

"Salamat din dahil parati mong iniisip ang kasiyahan ko. Tinanggap mo kung ano ako at mundong meron ako," namasa ang mga mata ko. "Sobra-sobra 'yong effort na binibigay mo para lang mapasaya ako...para mapatunayang gusto mo ako."

LOVE WITHOUT BOUNDARIESWhere stories live. Discover now