CHAPTER 54

409K 14.2K 28.8K
                                    

CHAPTER 54

PINAGPAG NI Maxrill Won ang parte ng sofa sa tabi niya, pinauupo ako. Ngumiti ako at sumunod. Iniakbay niya ang braso sa likuran ko at saka nagpatuloy ang pag-inom ng coffee. Pinalobo ko ang bibig ko at nilingon siya. Nangunot ang noo ko nang makitang ngingiti-ngiti pa rin siya.

Ngumuso ako. "Pinagtatawanan mo ba ang kape ko?"

Nagugulat niya akong nilingon, pinagkunutan din ako ng noo."Of course not," nakangiti siyang nag-iwas ng tingin at ginala ang paningin sa buong bahay namin. "I was just thinking..."nilingon niya uli ako. "It feels nice to just sit, drink coffee and do nothing with your special someone on your birthday."

"Do nothing...huh?" bulong lang sana 'yon pero narinig niya dahil sa sobrang lapit niya sa 'kin.

Nagugulat niya akong nilingon at nang maisip ang ibig kong sabihin ay saka siya natawa. Inihilig niya ang batok sa sofa at saka pumikit. "I wanna do these little things every morning, with you, Dainty." Saka niya ako nilingon. "Wala akong pakialam kung mapagod ako sa trabaho kung sa 'yo ako uuwi gabi-gabi." Pantay na talaga ang Tagalog niya, umawang ang labi ko.

"Napakahusay mo nang mag-Tagalog, Maxrill Won!"mangha ko.

Mabilis na nawala ang maganda niyang ngiti na nasundan ng buntong-hininga. "I'm daydreaming alone, how sweet." Bumungisngis ako. "Let's wait for your parents then we'll go outside."

"Saan naman tayo pupunta?"

"It's my birthday, brat. We'll celebrate it together."

Na-excite ako. "Sige!" tuwang-tuwa na agad ako. "Kaso...wala akong regalo sa 'yo." Gumapang ang hiya sa kabuuan ko. "May...gusto ka bang matanggap ngayong birthday mo, Maxrill Won?"

Ang lakas ng loob kong itanong 'yon. Lalo pa nang sumagi sa isip ko ang sariling ipon at binigay na ideya ni nanay kung saan ko dapat gamitin 'yon. Napabuntong-hininga ako nang maisip na gusto ko siyang bilhan ng regalo. Todo tanggi pa ako kay nanay nang isuhestiyon nito 'yon, gano'n lang din pala ang mararamdaman ko.

Ganito pala kapag nagmamahal ka. Kahit na ang pinakatatabi mong bagay para sa pangarap at kinabukasan mo, handa mong ilabas para mapasaya o masorpresa siya.

Inilapag niya ang tasa sa mesa at saka humarap sa 'kin. Ipinako niya ang siko sa sandalan ng sofa at dinantay roon ang sentido niya upang matingnan ako nang deretso at malapitan.

"May...gusto ka bang bagay na...wala pa sa 'yo?" tanong ko.

Nag-isip siya kunyari. "Hmm..."

"May gusto ka bang kainin?" dagdag ko nang hindi makapaghintay sa tagal niyang sumagot.

Awtomatiko siyang tumingin sa 'kin. "Meron." Umangat ang gilid ng labi niya nang isagot 'yon.

"Ano 'yon?" awtomatiko kong sagot.

Lalong lumapad ang kaniyang pagkakangiti nang mahulog ang paningin niya sa aking labi. Nakagat ko ang sariling labi bago naitikom ang bibig ko.

"Ano'ng iniisip mo, ha?" nakangusong tanong ko.

Humalakhak siya. "Anything, basta luto mo."

"Marami akong alam lutuin, Maxrill Won, sabihin mo, ano'ng gusto mong kainin?"

Kinagat niya ang gilid ng kaniyang labi habang nakangisi. Humalakhak siya na para bang may naisip na hindi niya maaaring ibahagi. Saka umayos ng upo at muling kinuha ang kaniyang kape upang ubusin ang laman niyon.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon