CHAPTER 16

638K 32.8K 81.9K
                                    


CHAPTER 16

NAPANGITI AGAD ako nang magising kinabukasan. Nilingon ko ang balkonahe at nakita ang kalangitan, natanaw ko rin ang karagatan at lalo pang napangiti. Si Maxrill agad ang laman ng isip ko dahilan para bumangon ako nang hindi na nawawala pa ang ngiting iyon. Panay ang pagkanta ko habang naghihilamos at nagsesepilyo, talagang masaya ako. Hanggang sa pagsusuklay ay kumakanta ako. Natigil lang iyon nang lumabas ako ng kwarto.

"Good morning...crush."

Gano'n na lang ang paghakbang ko pabalik sa kwarto nang mukha ni Maxrill ang mabungaran ko. Natutop ko ang sariling bibig at nakangusong isinara ang pinto.

Napakaaga niya namang pumunta rito? At...anong crush?

Dali-dali akong bumalik sa banyo ngunit sa pagkakataong iyon ay naligo na ako nang deretso. Ayaw kong makita ako ni Maxrill nang iyon pa rin ang suot, nang ganoon pa rin ang itsura.

Dahil sa sobrang pagmamadali ay humahangos ako nang matapos. Kumalma lang ako nang tuluyan na muling lumabas.

Nasulyapan ko ang sarkasmo sa mahinang tawa at ngisi ni Maxrill nang matanaw muli ako. Naroon siya sa puting mesang nasa tabi nang mataas at malaking bintana. Natatamaan ng liwanag ang kaniyang mukha sa t'wing liliparin ng hangin ang kurtina. Dahilan para lalo siyang magliwanag sa paningin ko. Nakapandekwatro at nakapatong ang isang siko sa mesa habang hawak ang tasa ng kape. May suot siyang puti na shirt na pinaibabawan ng mapusyaw na asul at nakabukas na polo, nakasabit sa dibdib niyon ang itim na salamin. Pares niyon ang mapusyaw na maong shorts at itim sa tsinelas.

Nailang ako dahil sa mukha ko na nga dumapo ang paningin niya ay mukhang hindi niya pa inaalis iyon. Panay ang pagnguso ko habang nakayuko.

"Again, good morning, Wednesday," aniya nang makalapit ako, iba na ang tawag kaysa kanina.

"Good morning," walang kasinghina ang boses ko.

"Nice voice, huh?" nakangising dagdag niya.

Napatitig ako saka nag-iwas. "Ano..."

"Crush..." mahinang dagdag niya dahilan para muli akong mapatitig. Nilabanan niya iyon sa nakakailang na paraan dahilan para mauna akong mag-iwas.

Nang muli ko siyang sulyapan ay mataman niya nang tinitingnan ang kabuuan ko. Gano'n na lang ang pagkakunot ng kaniyang noo.

"What...are you wearing?" kapagkuwa'y masungit niyang tanong.

Natigilan ako at nagbaba ng tingin sa berde kong bestida. Isa iyon sa paborito ko at may ilang beses na ring naisuot. May isang dangkal ang agwat niyon sa talampakan at lumalampas lang sa siko ang manggas. Kwadrado ang kwelyo niyon at may butones na mula sa dibdib hanggang sa tiyan.

"Bakit?" inosenteng tanong ko.

Napabuntong-hininga siya. "This is an island, Wednesday," seryosong aniya saka nag-angat ng tingin sa akin.

May kung ano sa aking inaasam na muli niyang tawagin sa sarili kong pangalan. Napabuntong-hininga ako sa pakiramdam na 'yon.

"Ano..." napahiya agad ako. "Ganito talaga ako manamit."

"Yeah, I can see that," ngumisi siya at lumaghok sa tasa.

Pakiramdam ko ay gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto at palitan ang suot ko, ngayon lang nangyari 'yon. Pero lahat ng dala kong damit ay ganito. Kahit iyong mga nasa bahay ay ganito. Dahil ang tanging kaya kong ipakita sa katawan ko ay mukha, leeg, kamay at paa, wala na.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESWhere stories live. Discover now