CHAPTER 18

728K 36.3K 75.4K
                                    


CHAPTER 18

MAAGA AKONG nagising kinabukasan pero matamlay akong kumilos. Matagal akong naligo dahil nilabhan ko pa ang mga damit namin ni nanay. Ngayon naman ay nahihirapan akong pumili ng isusuot gayong dadalawa na lang naman ang pagpipilian ko.

"Napagod ka yata? Sabi naman sa 'yo, may dry-cleaning dito sa 'baba," ani nanay.

"Ayos lang po," ngiti ko.

"Halika, tamang-tama, agahan na," anyaya niya.

Nakahanda na ang lahat sa mesa. "Ako na lang po ang maghuhugas, 'nay, para makapagpahinga po kayo."

Kahit anong pigil ko ay napapasulyap ako sa pintuan na para bang may hinihintay talaga akong pumasok doon. Kahit anong tanggi ko ay umaasa akong darating si Maxrill at makakasabay naming mag-agahan. Pero hindi na naman iyon nangyari. Kaya kahit anong lungkot na aking maramdaman, pilit ko 'yong itinago kay nanay.

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan kong umasa nang gano'n. Wala naman siyang sinabi na araw-araw namin siyang makakasabay. Lalo nang hindi niya sinabi na araw-araw ko siyang makikita at makakasama. Ako lang talaga itong naghahangad nang sobra. Iilang beses ko pa lang siyang nakakasama, gusto ko nang maging mas madalas pa.

Hindi lang agahan wala si Maxrill, maging nang tanghalian at hapunan hanggang kinabukasan at nang sumunod pang mga araw. Inisip kong gano'n na lang talaga siguro siya kaabala. Na gano'n siya kabuting kapatid para tingnan ang mas nakatatanda pa sa kaniya. Kahit ako naman ay gagawin iyon kay Kuya Kev kung kinakailangan. Hindi lang talaga mawala ang lungkot at pag-aasam kong makita siya uli.

"Ako na po diyan, 'nay," presinta ko isang hapon na hindi magkandaugaga si nanay sa puno nang basurahan. "Ako na po ang magbababa."

"Salamat, Dainty," ngiti ni nanay.

Magaan lang naman iyon, iisang garbage bag na pulos papel at pinaglagyang supot. Binitbit ko iyon palabas.

Gano'n na lang ang gulat ko nang bumukas ang elevator at si Maxrill ang sakay niyon. Sa tabi niya ay naroon si Hee Yong, sa likod niya ay nakasabit ang itim na kaha ng gitara. Sandali siyang tumitig sa mukha ko saka bumaba ang paningin sa bitbit ko.

"Magandang hapon, Maxrill Won," naiilang may ay mahinang pagbati ko.

"Let me help you." Humakbang siya papalapit, ang isang kamay ay nakapindot sa buton ng elevator.

Iniiwas ko ang aking bitbit. "Ako na."

"Give it to me, Dainty," seryoso niyang sinabi saka inagaw ang bitbit ko.

Tumitig siya sa mukha ko at saka umatras pabalik. Sandali akong nagtaka at saka humakbang papasok. Nagbaba ako ng tingin dahil ayaw kong magtama ang aming paningin sa salaming naroon sa harapan namin.

"How are you?" tanong niya, inaasahan ko na.

"Ayos lang naman ako," pinilit kong ngumiti.

"Are you...enjoying your stay?"

Napalingon ako sa kaniya saka pabuntong-hiningang ngumiti. "Oo naman. Masyadong maganda ang lugar na 'to para hindi ako mag-enjoy."

Sandaling katahimikan ang nangibabaw. "Are you...mad at me, Dainty?"

"Ha?" napalingon uli ako sa kaniya. "Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" halos manginig ang tinig ko.

Dinig ko siyang bumuntong-hininga ngunit muli lang nangibabaw ang katahimikan. Hindi niya sinagot ang tugon ko hanggang sa makababa kami.

"Do you wanna go outside, Dainty?"

LOVE WITHOUT BOUNDARIESWhere stories live. Discover now