CHAPTER 25

747K 35.4K 75.8K
                                    


CHAPTER 25

"DAINTY ARABELLE!"

Napapikit ako nang sakupin ng tinig ni Maxrill Won ang buong hallway matapos ko siyang pangunahang lumabas upang sundan si nanay. Ngumuso ako at mas nagmadali pang maglakad papalayo.

"Look at this...lady, tsk," paasik niya nang idinugsong ang huling salita.

Maging ang pagtawa ni tiyo ay naririnig ko. "Mm-mm, hindi tayo naninigaw ng babae, Maxrill Moon."

"Dainty Arabelle!" sa halip na makinig sa ama ay muling isinigaw ni Maxrill Won ang pangalan ko. Nakanguso akong nagtuloy-tuloy sa paglalakad. "Look at that attitude..."

Sa sobrang pagkakatutok ng atensyon ko kay Maxrill ay bumunggo ako sa tagiliran ni nanay bagaman nakatingin naman ako sa harapan. Hala! Bahagya akong napaatras at nakangusong kinamot ang noo ko.

Nakakunot na ang noo ni nanay nang magbaba ng tingin sa akin. "Ano ka ba, Dainty Arabelle?" ang panunukso ay sigurado akong naroon sa tinig niya, bagaman bahagya siyang nakasimangot.

Hindi ko masiguro kung inaasar ba ako ni nanay o galit na ba talaga siya. Naroon ang panunukso sa kaniyang tono, lalo na sa pagkakabanggit sa pangalan ko. Pero hindi makikita ang pagbibiro sa kaniyang mukha. Pare-pareho sila nina tiyo at Maxrill Won, hindi ko mahulaan. Hindi ko masaulo kung kailan sila galit at kung kailan normal ang ganoong pakikitungo nila.

Kunot-noong sinulyapan ni nanay sina Maxrill Won at Tiyo More na noon ay nakalapit na. Paglingon ay nasalubong ko ang masamang mukha ni Maxrill Won. Nakanguso akong nagbaba ng tingin at sumunod kay nanay papasok sa elevator. Pumuwesto ako sa likuran, umaasang makakatabi ko roon si nanay. Nasundan ko ng tingin si nanay nang bigyan niya ng daan si Maxrill Won at doon siya tumayo sa tabi ni Tiyo More.

"I was calling you," asik ni Maxrill, pilit hinihinaan ang tinig ngunit imposibleng hindi marinig ng mga nasa harapan namin. Hindi ko siya sinagot. "I'm talking to you..." mas lumambing na ang kaniyang tinig.

Nanindig ang mga balikat ko nang hawakan niya ako sa siko. Naghalo ang kiliti, gulat at kakaibang pakiramdam nang marahan niya iyong pisilin. Nilingon ko iyon bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Ano..." mahinang sabi ko saka binawi ang aking siko. Hindi ko matagalan ang kuryenteng idinudulot nang pagkakalapat ng balat niya sa akin.

"You sound so sweet, hija," hindi ko inaasahang lilingunin pa ako ni tiyo habang sinasabi iyon. "You know Hinata Hyuga? She's from that anime, Naruto. You know her, huh?"

Napabuntong-hininga ako, mukhang alam ko na ang sasabihin niya. "Opo, tiyo. Pinanonood po namin ni Bree iyon tuwing hapon."

"She's just like you!" tuluyan na akong hinarap ni tiyo, parang bata na tuwang-tuwa sa cartoons na kinayang ninonood. "You sound just like her, soft-spoken. You have a very gentle, angelic voice. And you're shy like her."

"Dad, we're talking," mariing asik na naman ni Maxrill Won.

Nilingon ni tiyo ang anak. "And so are we."Inosente niyang sinagot 'yon.

"You are interrupting our talk, dad." Isa-isang diniinan ni Maxrill Won ang bawat salita.

"Alright, Moon!" Nginitian ako ni tiyo saka nakangiting binalingan si nanay. "You wanna talk to me?"

Awtomatikong sinamaan ng tingin ni nanay ang tiyo. "Sige, kamao ko sasagot sa 'yo."

Napaiwas si tiyo. "Yeah?" Bumuntong-hininga siya.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon