CHAPTER 40

443K 21.9K 29.8K
                                    


CHAPTER 40

"DAINTY, BREE," tinig ni Kuya Kev 'yon, kasunod ng katok sa pinto ng aming kwarto. "Nandito na si Maxrill Won. Ihahatid daw kayo sa school."

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Bree. Pero ang nanunukso niyang tingin ang nasalubong ko. Napalobo ko ang aking bibig at pinagkunutan siya ng noo. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at saka inilabas ang liptint at naglagay sa labi.

"Yieee, nagpapaganda na si ate!" panunukso ni Bree. "Para 'yan kay Maxrill, 'no?"

Pakiramdam ko ay mas namula ang pisngi ko. "H-Hindi, ah? Nagustuhan ko lang talaga ang kulay nito. Oh, 'eto, binabalik ko na. Salamat, Bree." Nakangusong sabi ko.

"Sa 'yo na 'yan, ate!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? Sigurado ka?"

"Oo, marami ako niyan, iba't ibang kulay pa."

"Talaga? Salamat, Bree!" Nakangiti kong pinagmasdan ang liptint. "May ibang kulay pa pala 'to?" tiningnan ko ang maliit na botelyang iyon.

Hindi tulad ng lipstick, mukhang natural ang koloreteng iyon. Parang bubble gum ang lasa at amoy. At kahit sa maghapon ay hindi nabubura, kahit pa kumain o uminom ako.

"Oo naman, 'no! Depende 'yan sa outfit at pupuntahan mo." Sinilip niya rin ang sarili sa salamin saka inayos ang kaniyang buhok. "Saka pwede mo rin 'yan ilagay sa pisngi, ate."

"Talaga?" namamangha kong tugon saka muling tiningnan 'yon at isinilid sa aking bag.

"Sasabay ba ako sa inyo?" nag-isip siya kunyari, nanunukso.

"Bree Anabelle?"

"Ayos lang naman sa 'king mag-jeep, Ate Dainty."

"Mamamasahe ka pa," nakanguso kong sabi.

"Magkano lang naman ang pamasahe. Para ma-solo mo si Maxrill Won."

"Tumigil ka nga, Bree. Halika na." Hinila ko siya at saka kami sabay na lumabas ng kwarto.

Nadatnan namin sina Maxrill Won, nanay, tatay at Kuya Kev na naroon sa sala. Pero ang nakaagaw ng pansin namin ni Bree ay ang sangkatutak ng bulaklak na halos pumuno sa maliit naming sala. Dahilan para manatiling nakatayo ang lahat, maliban kay tatay na may sariling silya. Sabay na umawang ang mga labi namin at sinuyod ng tingin ang buong sala.

Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan si Maxrill Won. Gano'n na lang ang paglapad ng ngiti niya. Para bang proud na proud pa siyang makita ang gulat sa aking mukha.

"Good morning, Dainty Arabelle," ganado pang pagbati niya.

Nag-init ang pisngi ko at napapapikit na nagbaba ng tingin. Nakagat ko ang aking daliri at saka muling sinuyod ng tingin ang napakaraming bungkos ng iba't ibang rosas. Bukod do'n ay may dalawang basket ng iba't ibang prutas at dalawang basket pa na puno ng iba't iba ring tinapay.

Gusto kong mangiti sa tuwa ngunit nahihiya akong makita 'yon ng pamilya ko sa sitwasyong ito.

"Maxrill Won..." napabuntong-hininga ako. "Ano ang mga 'to?"

"Flowers for you, obviously." Humakbang siya papalapit sa 'kin at namulsa. "Fruits and pastries for you and your family."

"Bakit...ang dami?"

Natigilan siya at nilingon ang mga 'yon. "What do you mean marami?" inosenteng tanong niya, ganoon sa mga wala talagang ideya.

Lumaylay ang mga balikat ko. Halos wala na talagang maupuang sofa. Dahil ang bawat bungkos ay napakarami ng rosas na kasama. Iba't iba pa ang kulay niyon.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon