SPOT 31: KILATIS

742 24 13
                                    

Suggest a heart-breaking anime...

ALLENDE.

MATAPOS kong pakipaghiwalay ng landas kay Macky ay nagtungo ako sa ipinagmamalaking Volleyball court ng ERU. Naiwan ko man ang aking kaibigan roon ay alam kong may kasama siya. Hindi man ako makakapanuod ng try-outs niya nang dahil sa banggaan ng oras namin ay may hihiyaw naman ng kanyang ngalan.

I-aasa ko muna sa iyo, Gole, ang puso at kasiyahan ng matalik kong kaibigan hanggang sa mawalan siya ng pake sa paparating na unos.

Nang makapasok ako sa court ay tumingin ako sa ibaba. Nakatutok ang ilaw sa pinaka-centro habang ako'y naririto sa itaas ng audience seat, pinapanuod sila at tinatanong ang sarili kung itutuloy ko nga ba ito o hindi. May mga sumusubok nang tumira ng bola at nagsisiliparan na ang mga ito sa ere.

Wala namang may kilala sa akin kaya ako na lang ang naganyaya sa sarili kong bumaba roon. Habang nasa hagdan ay pansin kong bilang lamang ang mga nanunuod. Kung bibilangin ko'y hindi ito aabot sa trenta. Hindi ganoon karami ang nagtry-outs ngayon ngunit sapat na iyon para bumuo ng isang mas malakas at panibagong team.

At hindi ko pinangarap na mapabilang roon. Kung may dapat sisihin ay si Cersylla iyon. Siya dapat ang inginungudngod sa makintab na sahig ng court, na halos umukit ang itsura ng kisame niyon. Kung tumakbo ka man ay gagawa iyon ng pasipol na ingay... lalo na kung japorms ang iyong sapatos. Tulad ng akin.

Natanaw ko ang coach na nakaputing polo shirt at naka-cap kahit de bubong ang court. Naka-kwintas sa leeg niya ang pulang kulay berdeng pito at sinipol niya iyon para agawin ang atensyon ng mga manlalaro. Nagtagumpay siya at nabaling sa kaniya ang lahat ng tingin. Maging ako ay napatigil sa paglalakad. Ngunit noong ngumiti ang coach at humalakhak ay ngumuso ang ibang mga babae.

Sa pag-aakalang magsisimula na ang laro ay najoke time agad sila ng coach na may malalim na dimples sa kaliwa niyang pisngi. Hindi ako nasabihan ni Cers na dito pala ang flirting den niya. Napansin ko lang iyon noong bumaba ako sa bench at naki-upo sa tabi ng ilan pang nakaputing polo shirt.

Nang yumuko ako para ayusin ang backpack sa upuan ay isang babaeng nakapamewang ang sumulpot sa aking tabi. Hindi ko na kailangang tumunghay para malaman kung sino iyon.

Nakasuot siya ng itim at napaka-iksing jersey shorts. Tila naging cycling iyon at halos makita ang singit ng puwet niya. Asul na sleeveless naman ang pang-itaas niya. Kumpara sa akin ay nakatali ang medyo mahaba niyang buhok ngunit hindi niya matatalo ang hangang bewang ni Macky. Alon-alon at kulot pa.

"I guess you really did suggest this to compete with me. Am I right, Allende?" nangaakusang bungad niya at umayos ako ng tayo, walang ganang tinitigan ang kapunyetahan niya. Nagpatuloy siya, "You know... You could have just joined the campaign, but why couldn't you? I mean... Does that seem more humiliating than losing to this one? Well, considering you're not even good at spiking. I believe you got an alibi once you're not chosen. But not being voted by anyone, there'll be no explanation to that. They don't like you, and that's period."

Punyeta ka.

Hindi ko maintindihan ang mga tao. Naging kasing-normal ng kanilang paghinga ang pakikipagkompetensya sa kapwa nila. Hindi sila mabubuhay nang walang kalaban sa mundo. Nais nila laging marinig ang salitang 'panalo' at wala sa kanilang bokabularyo ang pagsuko at pagkatalo. Tulad ni Macky. Ngunit hindi niya kagaya si Cersylla. Ang pinagkaiba nila ay ang pagtingin nila sa resulta.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now