SPOT 25: THE PLAN

803 27 8
                                    

DUEZ.

SA PAGKAKATAONG ibinigay na pagkikita naming muli ay hindi pa natuloy. Maging ang masilayan uli ang mukha niya ay hindi nangyari. May kung anong masakit na kurot ang naramdaman ko sa aking puso. Naisip kong kung hindi lang tumawag si Chief ay magkakausap kami.

But sometimes, I doubt about it.

Imposibleng kakausapin niya ako pagkatapos ng mga ginawa ko. Mas halang pa sa demonyo ang kaluluwa ko sa kaniyang mata. Ang masakit lang rito ay pakiramdam ko'y isa akong malaking pagkakamali para kay Macthara.

She hates me, now, that it seems so impossible for us to renew the kind of relationship we had before. She wants me out of her life because it was my fault that I made it so miserable.

Makapal na siguro ang pagmumukha ko kapag humarap pa ako sa kaniyang parang walang nangyari sa loob ng apat na taon. Napakahaba ng panahong iyon at natitiyak kong maraming nagbago. Hindi lang sa sarili ko, pati na rin sa kaniya.

Mas iyon pa yata ang ikinatatakot ko kahit pa man ay wala pa akong balita tungkol sa kaniya. Mahigpit na ipinagbabawal ni Auntie Leone ang komunikasyon sa pagitan naming dalawa. Wala akong alam sa buong apat na taong iyon.

And it creeps me out thinking about how she has changed these years.

Habang minamaneho ni Lomar ang kotseng ipinahiram ni Dad ay sila lamang ni Alfonso ang nag-uusap. Naririnig ko man ang tawanan nila'y hindi ko magawang maki-ngiti. Pulos reklamo man si Lome noong akayin ko na silang maka-uwi ay pinatahimik na lang siya ng isa.

Sigurado akong may naganap rin kay Fonso kung kaya ganoon na lamang ka-seryoso ang mukha niya. Nakikitawa man, hindi ito masyadong masigla. Hindi siya nagtatanong kundi'y sumasagot lang sa mga kuwestyon ng ipo-ipo. At kung naubos man ang tanong, tanging ang makina lang ang maririnig sa loob ng sasakyan.

Katahimikan.

Nakahawak ang hintuturo sa sintidong nakadungaw ako sa bintana. Pinili kong mapag-isa sa likod ng kotse para makapag-isip nang tama at para na rin manumbalik ang dati kong sigla matapos kong mapagtantong sa ERU na nga talaga ako mag-aaral, nakapag-eksam na ako sa naturang unibersidad, at hindi ko man lang nasilayan ang kaganapan sa loob ng arena.

I wonder what was happening there in such daylight.

Nangangati ang utak kong malaman kung ano nga ba talaga ang nangyari sa field simula noong banggitin nila ang pangalan niya. Lalo na noong binigyan nila ito ng malisya. Nagtataka rin ako sa panlalaking pangalan na isinigaw nila.

Gole Dantes? Cut it out, please. How does he look like?

Baka mukha siyang nakangusong aso, o hindi kaya'y isang lumilipad na malaking langaw. Ang mas nakapagtataka rito sa sarili ko ay kung bakit ko nga ba siya iniisip? Hindi ko pa siya nakikita at nakikilala sa personal ngunit masama na agad ang pakiramdam ko sa kaniya. Nag-iisip na ako kaagad nang hindi mabuti laban sa lalaking iyon.

Per favore? End this nonsense, Duez!

Hindi ito nakatutulong lalo na't may misyon pa akong dapat gampanan sa ilalim ni Chief. Kung hahayaan kong magpatuloy sa pagiging sagabal itong pag-iisip ko sa kalagayan niya, hindi matutupad ang mga mithiin ko.

Ayaw ko namang magambala ang pagpapahinga ng mga ninuno ko. At mismong ako pa talagang apo nila ang tatapos sa lahat ng gulong binuo nila.
Dahil roon, napapayag ako sa mga bagay na hindi ko talaga gusto.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now