SPOT 32: LIGHTNING

721 26 20
                                    

GOLE.

NOONG makarating kami sa softball field ay mabilis na nagtungo si Macthara sa damuhan at naki-halubilo sa mga babaeng nag-aayos ng gamit sa bench. Hindi man lang niya ako binigyang-pansin at iniwan pa akong nakatunganga rito sa entrance.

Wala talaga siyang pasasalamat na babae at ako na lang uli talaga ang nagtitiis sa ugali niya!

Nang maramdaman kong wala na nga talaga akong magagawa ay umikot ako sa cyclone wire para magtungo sa audience seat. Habang naglalakad ay nakatitig pa rin ako sa kanya, inoobserbahan ang bawat kilos. Napagtanto niya sigurong nawawala ako sa tabi niya kaya nang makatungtong ako sa taas kung nasaan ang mga upuan ay doon na lamang siya tumingala.

Naiinis man ako ay naiintindihan kong may laro siya at baka kinakabahan. Bilang pampagana ay itinaas ko ang aking mga braso saka maligalig na kumaway sa ibaba. Maluwag ko siyang nginitian at ako naman ay nginisian niya. Napanguso ako sa mariin niyang pagtalikod. Ramdam kong gusto akong mabilibin ni Macthara sa lagay na ito. Sa punto pa lang na nais niyang panuorin ko siya ay nagpapainit na ng aking tiyan.

Nahuhulog na sa akin ang Mactha ko! Bwahahahahahaha!

Umupo ako sa pinaka-gitna kung saan kita ang kabuoan ng malawak na parang ng diyamante. Sinisilip ng mga mata ko si Macthara habang may kinakausap siyang isa pang babae. Hindi ko man marinig ay tila nagbabangayan sila pero sa pabirong paraan. Natapos ang kanilang pag-uusap sa pagtakbo niya sa buong field. Sa sobrang tulin niya ay natapos siya agad.

Nagsimula ang laro sa pagpapakilala nila. Nakahilera na ang lahat ng mga players sa ibaba. Tanaw ko rin ang babaeng hindi mawala sa paningin ko. Kinakausap pa rin siya ng babae kanina at mas lalong nagsisindakan ang dalawa, na abot hanggang dito ang kayabangan nila.

Napalingon ako bigla sa gilid ko nang may apat na babaeng tumabi. Hindi ko ikinabahala iyon ngunit hindi ito magandang tingnan mula sa itaas kaya nailang ako sapagkat kaming lima lang ang narito. Iyong iba ay nasa kabilang bahagi ng audience seat na katapat lang namin ngunit napakalayo sa paningin.

Nakatayo ang dalawang babae habang pumapalakpak. At ang natitirang dalawang babae ay nakadekwatrong upo sa tabi ko, na halos ilantad ang legs na pasadya niyang ikinikiskis sa hita ko. Hindi lang iyon. Kahit pa na ibinaling ko sa field ang buong atensyon ko ay nakikihati pa rin sila. Pansin ko sa gilid ng aking mga matang imbes na nasa mga players ang tingin nila'y nasa sa akin pala.

Kapag nakita ni Macthara ang mga kalandian niyo, baka umakyat iyon at itapon kayong apat sa field!

Umusog ako nang dalawang upuang layo sa kanila. Nagtaka sila ngunit hindi ko na ikinabahala iyon. Mas natatakot ako sa kung anong maaaring maisip ng babaeng gusto ko. Ano na lang ang iisipin niya pagkatapos kong aminin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Baka akala niya'y niloloko ko lang siya. At hindi ko gusto iyon.

Hinanap muli ng mga mata ko si Macthara at noong magtagpo ang aming paningin ay agad kong itinaas ang thumb ko, masayang nag-approve. Ngunit hindi ko maintindihan noong inirapan niya ako't hindi na muling pinansin. Bumagsak ang kamay at balikat ko saka nasagot lamang ang pagkainis niya noong narinig ko ang tawa ng apat na babae.

Ang kakati niyo naman, Dong!

Hindi tuloy nagustuhan ni Macthara ang pakikihalubilo ko sa mga babae. Hindi naman ako ang unang lumapit saka ako na mismo ang lumayo. Baka nagseselos siya? Gusto kong kiligin at isigaw sa ibaba na nahuhulog na sa akin ang babaeng pinapangarap ko ngunit hindi naman maganda ang bigyan siya ng dahilan upang magselos. Kung talagang gusto ko siya, hindi ako magbibigay ng motibo sa ibang babae. Sa kaniya lang ako malandi.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now