SPOT 3: CURSE HIM

1K 88 11
                                    

ALLENDE.

ALAM kong ayaw na ayaw magpahatak ni Macky kaya natural na ang reaksyon niyang bawiin ang kamay at itulak ako.

"Ano bang nangyayari sayo?" sigaw niya. "Hindi ba ikaw itong nais akong magmalasakit? O, anong nangyari ngayon?"

"Pasensya naman ah..." tuya ko.

"Pasensya, pasensya..." gaya niya sa akin. "Alam mo ba kung bakit ko ginagawa ito, ha, Yendi?"

"OO! ALAM KO!"

Alam kong alam na niya na nagsisinungaling ako noong sinabi kong wala lang iyong natuklasan ko... Punyeta naman kasi itong radar mo!

"Ngayon ipaliwanag mo sa akin ang buong pangyayari..."

"Makatatakas ba ako sayo?"

"Malamang, hinde..."

"Alam ko."

Inalala ko ang nangyari sa Building One ng ERU. Malapit nang matapos ang klase. Yun ang sabi ng professor namin na si Doc Aro. Pinili kong tahakin ang maging doctor. Ang rason nito ay hindi ko alam. Tamad akong makinig sa diskusyon ng prof kaya nagmuni-muni muna ako.

Tinignan ko ang labas ng bintana at halata na malapit nang umulan. Hindi sa ayaw ko sa tag-araw subalit mas nanaisin ko pang umulan magdamag para malamig ang hangin at mabango ang amoy ng lupa.

Ibinalik ko ang tingin ko sa ibaba. Nandun ang propesor na busy sa paglalarawan ng istruktura ng katawang-tao. Dahil sa Lamarco ang apelyido ko ay nasa gitnang palapag ako ng mga upuan na katulad ng isang sinehan.

Malawak ang silid-aralan dahil marami kaming estudyante. Kasama na rin diyan ang impokritang si Cersylla na nasa ibabang upuan dahil Barcellon ang huling ngalan niya.Isa itong magandang balita sa kanya dahil malaya siyang makakasip-sip sa mga lalaking propesor.

Naka-lapel si Doc Aro kaya madali namin siyang maririnig dito sa gitna. Isa lang naman ang nakapanhuli ng atensyon. Iyon ay ang kanyang anunsyo.

"Indeed, it was a great news that I have received today." Panimula niya at napatanong naman ang halos sa lahat ng mga medical students.

"Spill the beans, Doc Aro!" sigaw ng impoktrita at sumunod naman ang iba kaya mas lalong umingay ang buong kwarto.

"Okay, okay, students! Eyes on me!"

"EYES ON YOU!" sagot naman namin.

"Good!" saad niya saka inayos na sa kamay ang lahat ng portfolio namin. "This thing I have received was a registration form, and one of children of the Third Investor will transfer here!"

"Who is it, Doc Aro? C'mon, tell us!" sigaw na naman ng impokrita at sumunod ulit ang iba. Para siyang tandang na kapag tumilaok, susunod na ring titilaok ang kapwa tandang.

"My apologies, students," yuko niya at naglakad sa tapat ng pinto. "But this time I cannot tell who it is. It is an important information."

"Then, please give us a clue. Right, classmates?"

"Yes! Tell us!" sagot ng kalahati sa populasyon namin.

"Okay!" parang walang kawala na sigaw niya. "Three schoolboys will transfer here in Earl the Regal University."

"How do they look? Tell us more!"

"Enough of the news!" pagtatahimik niya sa buong klase. "It's lunchtime, so good-bye and see you on the next meeting."

"GOOD-BYE AND THANK YOU, DOC ARO!"

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now