SPOT 15: HIS POV

901 39 43
                                    

Leave a simple quote here...

GOLE.
BUILDING ONE - 9:47 A.M.

NAKITA niyo naman at ito ang pinaka-unang kong eksena kung saan ako gagawa ng naratibo. Naku, Dong! Ang saya palang dumaldal habang nasa iyo ang spotlight.

Lumipas ang isang araw at hindi pa rin naglalaho ang balita tungkol sa nalalapit na eleksyon. At ito pa ang isa, gaganapin rito sa unibersidad namin ang UAAP season 82.

Akalain mong ang gara ng pinag-aaralan ko. Ang pormal rin sa pandinig lalo na kapag tinawag kang isang 'Regal' ng ibang eskuwelahan.

Naku, Dong!

Parang ang sobrang yaman ko. Pero, totoo naman. Bilang isang Dantes, nahihiya pa akong sabihing naaliw ang mga babae sa angkan namin. Ito ba namang ipamana sa akin ang kompanya. Daig ko pa ang milyonaryo!

Isama mo na rin ang pinsan kong si Sarge na isang pulubi. Tsk! Inuutusan ko lang iyan para maging messenger namin ni Mactha ko. Ang kaso nga lang ay lagi siyang naitataboy. Napaka-walang kuwenta talaga pero...

Eeeeeeeeeeee!

Lumulundag na naman sa saya ang puso ko sa tuwing maaalala ang seryoso niyang mukha. Hindi si Sarge ah, si Macthara. Naku, Dong!

Lagi na lang siyang galit sa akin. Ewan ko ba kung ano ang ginawa ko sa kanya sa kabilang buhay at ganiyan siya sa kasalukuyan. Lagi ring nakasalubong ang mga kilay niya kapag nakikita ako. Ang malala ay lagi siyang nanunulak.

Marahas talaga siya!

Kahapon nga ay hinahanap ko siya para tanungin ang isports na sasalihan niya pero naka-alis na pala at pumasok sa trabaho. Mabuti na lang at nakumbinsi ko na rin siyang magsilbi sa akin. Lagi ko na siyang makakasama, ehe!

Pero hindi naman araw-araw ay nandoon ako. Marami pa akong inaasikaso at may isa pang taong kailangan magbayad ng utang sa akin.

Hindi ko naman siya hahayaang makawala nang ganun-ganun na lang. Kung hindi ko lang nirerespeto ang kanyang pagkatao, tiyak magagalit ang kapatid kong babae sa akin.

Huwag na nga lang natin iyang pansinin at kumukulo ang dugo ko. Nakapamulsang naglakad na lang ako sa ikatlong palapag ng Building One.

Naku, Dingdong! Kapag Dantes talaga ang dumaraan ay marami ang tumatabi at tumitili sa entrada ko. Tila ba para akong hari na niyuyukuan ng mga taong hinahangaan ako.

Pogi, pogi ko!

Ang problema nga lang ay hindi lang ako ang tinitilian. Pati ang kaibigan kong hindi ko alam kung kaibigan ko nga ba talaga ay kinakikiligan rin. Nasa tabi ko siya at mukhang tangang naka-shades pa kahit na nasa loob kami ng hallway at hindi maaraw.

Pa-pogi talaga!

Itinago ko na lang ang inis ko saka kumaway sa mga babaeng naunang kumaway sa akin. "Hey, have a nice day!" siyempre, ako ang bumati niyan.

Naku, Dong!

Magbilang ka na at hindi magtatagal hihingalin na sa kilig iyang dalaga. "D-did you just notice me, Gole?"

Inosenteng tumango ako. "Yuh-uh..."

"Oh my, oh my! Wait, wait, I need air..." tila nanghihinang sambit niya at nagpaypay pa gamit ang kanyang kamay.

Nilagpasan ko na lang siya at huli ko nang nakita ang paggiba ng katawan niya sa sahig. Ganiyan talaga kapag malakas ang dating!

"Hala, gurl! Hey, wake up..." dinig ko pang nataranta ang kanyang kaibigan.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن