SPOT 13: THE INVITATION

854 57 30
                                    

DUEZ.

DE TROY HEADQUARTERS.

UMUGONG ang sunod-sunod na putukan mula sa kinalabit kong gantilyo ng baril. Saktong tatlong beses natamaan ang bull's eye ilang metrong layo ko.

Pinapunta ako ng Chief dito sa De Troy HQ para makapagsimula na ng pagsasanay. Kailangan ko pang matutong bumaril para nang sa gayon ay hindi ako magulat sa lakas ng kalaban.

Inayos ko ang earmuffs sa tainga ko at tinulak pataas ang shooting glasses na nadulas sa ilong ko. Tinanggal ko ang magasin ng pistol saka pinuno ulit ng bala. Ikinasa ko ito at muling itinutuok sa target.

Sa pag-ipit ko ng baril ay bigla itong nanginig. Napapikit ako ng malalim saka nanlilisik na iminulat ang mga mata. Dagling sumulpot sa harap ko ang isang kulay dagtum na pigura. Mabaya o kulay pula ang kanyang mata at tila ba hinahamon ako.

~BANG!~

~BANG!~

~BANG!~

Gigil na nagpa-ulan ako ng maraming bala sa aninong iyon ngunit kahit anong tama ko sa kanyang braso, dibdib, balikat, at ulo ay hindi ito umuubra. Imbes patuloy lang siyang naka-ngiti sa akin at sinasamaan ako ng tingin.

Mas lalo akong nagpaputok noong tawanan niya ako at paulit-ulit na bumubulong na isa akong duwag. Aniya pa na isa lang akong puppet na may nakataling sinulid at masayang kinokontrol.

Hindi ko alam ang nangyayari ngunit parang umiikot ang mundo ko. Para akong hinihigop ng malakas na buhawi at halos pumikit ako sa mga buhanging sumisiksik sa mata ko.

~BANG!~

~BANG!~

~BANG!~

Nais kong lumapit para makita nang malinaw ang kanyang mukha kaya naisipan kong tumalon sa kabilang kwarto kung saan naka-hilera ang iba't ibang mannequin na maaring tamaan basta sa loob ng bilog.

I'm gonna lock your throat!

"Signor Duez." napalingon ako sa kamay na pumigil sa braso ko at sa boses na nagtangkang balaan ako.

"M-mister Roy." gulat na usal ko saka naibaba ang baril.

Napahawak pa ako sa aking sintido at walang maintindihan sa nangyayari. Sinilip ko mula iyong anino pero wala na ito at tanging ang mannequin na puno ng butas mula sa bala ang naroroon.

Did I just hallucinate? Cazzo!

"Ano bang ginagawa mo at sumasampa ka diyan sa harang, Hijo?" nag-aalalang tanong niya saka lumapit sa akin para tapikin ang balikat ko.

"N-nothing..." pagsisinungaling ko at hinubad ang shooting glasses at ang earmuff.

"Ganun ba, Signor? Sigurado ka at ayos ka lang?"

Pilit akong ngumiti. "Y-yes, I'm alright."

Bigla naman akong nagtaka kung bakit siya narito sa shooting ground at wala siya sa tabi ng ama ko. "By the way, Mister Roy, w-what are you doin' here?" tanong ko. "Where's the chief?"

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now