SPOT 10: THE OFFER

842 60 14
                                    

DUEZ.

NAGING tahimik kaming tatlo nina Fonso at Lomar sa paglalakad habang nakapiring na hinahatak ng mga tarantadong kalalakihan.

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit napakarami nilang dumakpi sa amin. Mukha yatang hindi kami kakayanin ng mga ito kaya kailangan ng back-up. Natitiyak kong may nag-utos sa kanila na talagang kilala ang lakas ng bawat isa sa amin.

Isa pang kinukuwestyon ko ay ang mga suntok nilang kay hina, na para bang sinadyang hindi kami puruhan. Tila ba may nagpaalala sa kanilang kilalanin nang mabuti ang kaharap nila. At kami iyon.

"Pasok!" boses iyon ng balbasin saka isa-isa kaming tinulak sa isang kwarto.

Hindi ko alam kung anong klaseng kwarto iyon sapagkat hindi pa niya tinanggal ang panyo sa mata ko.

"Kakausapin kayo ng boss kaya huwag kayong magtatangkang lumabas!" dagdag pa niya bago padabog na isinara ang pinto.

Dama ko ang mabilis na paghinga ni Lome sa gilid ko at kanina pa siya nagpupumiglas. Maging si Fonso ay kanina pa nagmumura, na halos walang katapusan. Paulit-ulit niyang pinatatanggal ang kamay ng nagdakip sa kanya sapagkat ang bigat at ang gaspang raw nito.

Samantalang ako, kanina pa iniisip kung sino itong boss nila. Ako lang yata ang may pake rito, ang tanging nag-iisip ng paraan kung papaano makalulusot sa mga tauhang ito, subalit palagi rin akong nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba ang nabubuo kong plano.

"Hindi niyo ba 'ko kilala ha! Ako ang tagapagmana ng isang unibersidad kaya pakawalan niyo ako dito, mga hangal kayo!" dinig kong sigaw ni Lomar.

"Pati rito, nagyayabang ka?" angil ni Fonso na biglang sumigaw. "Alam niyo, kapag may hawak akong bote, ibabasag 'yan sa mga bungo niyo! Hindi niyo 'ko papakawalan? Kapag ako nakatakas rito, tripleng bote ang isusubo ko sa lalamunan niyo!"

Imbes na magsalita rin ako laban sa kanila ay natawa na lang ako sa utak ko. Mukha yatang nahimasmasan na ang gago at mas lalong uminit ang ulo ni Lome.

Bagaman kahit umalis na iyong balbasin ay hindi lang kaming tatlo at ang boss ang nararamdaman kong nandito. Para bang may mga kasama pa siya na palihim na tumatawa sa likod namin.

Bigla na lang ay may mabagal na kumakalatok sa sahig. Isang pagyabag na tila nais kaming kilatisin. Nang lumakas ang tunog ay agad ring napawi sa oras na lagpasan ako nito. Maski hangin sa pagtalikod niya ay bumaon sa balat ko.

"Ano? Natakot ka sa 'kin, 'no? Oh shit, biro lang--"

Sa tingin ko ay tinanggal na nga nung dumaan ang piring ni Lomar sapagkat sa tono ng kanyang pananalita ay mukhang dininig siya ngunit ano iyong pagmura niya?

Something is strange, so remove this stupid handkerchief now.

Itinali kanina nung balbasin ang mga kamay namin sa likod kaya naging mahirap para kalasin ang panyo. Kapag nakawala ako rito i-uuntog ko ang ulo niyon.

"Sinayang mo lang laway ko, susunod ka rin pala? Oh, kayo pala 'yan, p-psensya na ho--"

Maski si Fonso ay natitigilan sa kanyang mga salita. Mukhang ako na lang ang walang alam sa mga pangyayari at para bang ang lahat ng mga mata sa kwartong ito ay nakatitig sa akin kahit pa madilim ang aking nakikita.

Tila may isang malaking pigura ang sumulpot sa harap ko na kinkilatis ang bawat kilos ko ngunit hindi ko siya papayagan na pagtawanan na lang ako nang ganoon.

"Tell me who you are..." utos ko at ipinakitang hindi ako natatakot sa kanya. "Tell me your name, and you'll be one of my target lists."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now