SPOT 33: PAA

722 24 13
                                    

ALLENDE.

MATAPOS ang ilang katanungan tungkol sa aming sarili ay pinaglinya kami sa dulo ng court kung saan ang service line. Hinati ang mga manlalaro sa dalawa at nasama ako sa linyahan ng mga magtatry-outs para sa pagserve ng bola. Sa kaliwang court ay naroroon ang grupo ng mga receivers. Tatlo ang nakabantay na coach. Tig-isa sa bawat group at isang tagapagbantay sa gitna. Napunta sa amin ang matangkad at medyo bata pang taga-turo.

Nasa pinakahuling hilera ako kaya huli rin akong magseserve. Walo kami sa linya at tig-isang server at receiver ang magtutunggali. Nakadepende ang tagal ng laro sa performance na kanilang ipapakita. Malamang, kapag nakuha nila ang tamang pagtama at pagsalo ng bola'y mabilis silang makakaraos. Malaki pa ang tyansa nilang mukuha. Samantalang, matatagalan ang mga players na hindi marunong sa larong ito.

At punyeta. Ako pa yata ang mapapatalsik nang maaga rito.

Umungaw ang pito ng middle coach saka itinalbog ang volleyball para ipasa sa unang magseservice. Iniliko ng coach ang kaniyang palad, sinesenyasan kaminh tumabi muna at maupo sa bench o abalahin ang sarili habang naghihintay ng turn. Sinunod naman namin siya at nagsi-kuhanan ang ibang players ng bola sa basket. Marami iyon kaya maaaring magpractice mag-isa.

Ayaw ko namang mapahiya sa mga players sa harap ko. Naka-inat ang dalawang braso nila at nakatupi ang daliri. Sa bawat pagbagsak ng bola ay kanila namang sinasalo sa palapulsuhan at lilipad uli ito sa ere. Hanggang sa magpaulit-ulit iyon habang sila ay nakatingala at nakatuko ang mga binti.

Kumuha rin ako ng bola sa cart at drinibol iyon. Nilingon ko ang mga manlalaro at pinanuod kung papaano nila paliparin ang volleyball at panatilihin sa ere nang hindi bumabagsak sa sahig. May isang nakataas ang mga braso at sinasalo ang bola sa taas ng ulo. Parang magaan niya lang bitbitin ang bola at tatlong daliri pa ang kaniyang gamit. Napapamura na lang ako sa isip.

Putangina. Ngayon lang ako naging bobo sa laro.

Pare-pareho lang namang ang kulay ng mga bola. Asul at dilaw na may tatak ng Mikasa. Ngunit ano itong kaba sa aking dibdib at tila hindi nakakaramdaman ng pagka-patas. Sa pagkakataong ito pa ako napanghinaan ng loob gayong sumang-ayon rin naman ako sa parusang ito. Sino ba ang dapat sisihin?

Niliko ko ang aking tingin sa court. Nagsimula na ang pagkilatis at masasabi kong napakahusay nilang maglaro. Hindi man katangkaran ang nagserve ay nagawa pa rin niyang sampalin ang bola patungo sa kabilang court. Buong alertong sinalo iyon ng receiver at lumagapak ang bola sa ere. Sobrang taas nito't nagawa pang i-set ng isang manlalaro. Hindi ko nakita ang babaeng lumipad ngunit alam kong malakas ang pagka-spike ng bola noong dumapo ito sa gilid ng aking mata.

Gago.

Muntik na akong mapuruhan! Nanlaki ang aking mata sa gulat at hinanap kung sinong tanga-tanga ang gumawa niyon. At hindi ako nagkakamali. Ngisi ni Cersylla ang lumantad na nakayuko sa net. Nagpeace-sign pa ang impokrita saka bumalik na sa mga kalaro niya.

Wala man lang pake ang coach at imbes na humingi ng paumanhin ay pinausog pa ako. Ang kakapal ng mukha! Ako na ang pumulot ng bola sa likod ko. Mukhang hindi na nila kailangan iyon sapagkat pagkaharap ko sa kanila'y may panibagong player na. Ibig sabihin ay nagustuhan ng coach ang nauna sa puntong dalawang rounds lang ay tapos na sila.

Ilang rounds kaya ako?

Hawak ko ang dalawang bola sa kaliwa at kanan. Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula sa pageensayo. Isa-isa kong itinapon ang volleyball sa basket at nashoot ang mga iyon nang magkasunod-sunod. Ininat ko ang aking braso at balakang sa kaliwa... at sa kanan. Naisip ko na lang na magwarm-up para hindi sumakit ang aking katawan mamaya.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon