SPOT 23: START

803 29 5
                                    

MACTHARA.

NAPAGKASUNDUAN ng mga kakampi kong ako ang sasalang sa kickoff na kasama ang isang lalaking hindi ko kilala sa center spot. Naka-puwesto na ang lahat at aking sinilip ang posisyon ni Aljude. Sinisiguro ko lang ang kinatatayuan niya sapagkat siya ang alalay ko. May mas alam siya sa larong ito kumpara sa akin na ehersiyo lamang ito.

"A wonderful afternoon to every Earl, and we're now here watchin' our school's loveteam. Ehey! It's so nice to see Macthara and Gole playing against each other, do you agree? Yes, yes! We got the black team on the left corner of the field. Cheer as loud as you can, here's to our Zeus, Gole Dantes!" hiyaw ng emcee na mala-DJ kung magsalita. Naka-upo lang siya sa kung saan sa taas. At malamang baka nasa sound system pa.

Mabibingi ka talaga sa loob ng ERU Arena sapagkat halo-halo ang tunog at ingay mula sa hiyawan ng mga babae at pagkalimpog ng mga plastik na bote. Tinatambol nila ito at gumagawa ng sariling ritmo.

Hanep.

"Woooooooooh! You can do it, and I know you'll win, Zeus!"

"Galingan mo, my Gole! Sipain mo lang nang sipain. Waaaaaah!"

"Kick it, baby! Kick it until you hit the spot. Kick the goal, baby!"

Nasa lupa na ang soccerball, naghihintay na mapisa ng aking koponan subalit hindi na nito kailangang maghintay pa sapagkat pumito na ang referee.

~PRRRREEEEEEEEETTT!!!~

"We're starting the game now with a kickoff!" sigaw ng emcee. "The Red team, specifically Macthara's, will now advance! They got the ball now, Earls, so get ready to cheer 'coz the game is starting! Wohooo, which team are you, guys?"

Alerto akong lumapit sa bola saka ito sinipa kay Aljude na kaniya namang sinalo gamit ang binti. Mabilis naman akong tumakbo malapit sa net para saluhin ang bolang isinipa ni Aljude mula sa malayo.

Makukuha ko 'to. Makukuha ko ito.

Nakikita ko na ang bola sa ereng papalapag sa puwesto ngunit biglang sumulpot si Sarge sa tabi ko. Ang nakakairita rito ay sabay kaming lumipad sa himpapawid. At aksidenteng nagka-untugan kami.

~BLAG!!!~

"Oh my, what happened?!"

"This is so intense, nagsisimula pa lang ang laro!"

"Ang bilis niyang nakatakbo, seb. Halos ang nakita ko lang ay naroroon siya sa gitna at nagka-umpugan na sila."

"Aruy ko! Em El naman... Harang ka nang harang. Akin dapat 'yon, eh kaso inagaw mo!" suway niya sa oras na makalapag kami sa lupa at sininghalan ko siya.

"Tanga ka pala, e..." saad ko habang hinahawakan ang noo kong nadale. Hindi naman masakit at medyo daplis lang iyon sapagkat naka-iwas agad ako. "Manlalaro ka ba talaga? Napaka-propesyonal mo naman kung ganoon. Tsk."

Nahilo ako doon ah. Buwiset.

Nagpatuloy ang laro at nakuha ng kalaban ang bola at ipinasa ito sa kaniyang kakampi. Nauna nang bumalik sa puwesto si Sarge.

Mabuti na lang at hindi narinig ng referee ang pagtatalo namin kundi ay may penalty laban sa amin.

Sinulyapan ko naman muna ang kinauupuan ni Allende at naroroon siyang nakatayo, mukhang nag-aalala. Pero mas matatanaw ang matalim na tingin niya sa lalaking nakadumbuan ko, na halos patayin niya na sa isip.

Muli akong tumakbo sa kanang bahagi ng field. Nagpasa-pasahan ng bola ang ibang koponan habang patuloy kami sa pagsusubok na makuha ito. Nakita kong ipinasa kay Gole ang bola kaya tumakbo ako sa harap niya.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें