SPOT 48: TOGA

221 23 3
                                    

MACTHARA.

KAHIT UMULIT PA ng isang taon, magtatapos pa rin. Kahit ilang beses lumiko, sa destinasyon ang huling hantungan. Dahil hindi ang ilang ulit na pagtigil ang siyang magdidikta sa ating kinabukasan.

Kundi ang paglitrato sa malawak na kinabukasan ang siyang magtutulak sa ating magpatuloy sa bako-bakong daan. Gawa man sa patalim, puno man ng mababangis na hayop, o madilim na gubat. Dadating din sila sa rurok ng tagumpay.

Mayroong mas malaking naghihintay sa atin sa likod ng matatayog na bundok. Ilang ulit man lumubog ang araw at magbago ang panahon. Ang pokus ay nasa nais makamit. Sumobra man o hindi pumantay sa inaakala natin, ang proseso ng pag-abot niyon ang magsisilbing ebidensya ng ating tagumpay.

Hindi basta-basta maisusuko ang edukasyon. Dahil naniniwala akong matatapos ito sa kawalan ng pagkatuto. Sa hindi pagtanggap ng kamalian at pagtanggi sa aral.

Walang silbi ang impormasyong isinusubo kung hindi nginunguya ang laman. Ngunit mas malalasap ang katas ng aral kung nilulunok ang kayabangan. Dahil tunay na matalino ang alam na sila'y walang alam.

Dumating ang pinakahihintay na araw namin. Ang araw kung saan matatapos na ang buhay namin sa high school.

Natuloy ang pagganap ng graduation ceremony sa Regal World Manila. Binigyan ng discount ang mga iskolar na tulad ko kaya nakabayad ako.

Suot ang itim na togang may luntiang linya sa likod, naglinya kami sa itaas. Tanaw mula rito ang stage at hilera ng red chairs. Parang nanunuod lang kami ng concert. Ang kaibahan lang, kaming mga estudyante ang bida.

"Congrats," bati ng partner kong lalaki para sa prosisyon.

Tumango ako. "Salamat. Congrats din..."

"Saan ka na mag-aaral next year? Sa ERU pa rin ba?"

"Baka sa ibang bansa."

Nagulat siya. "Weh? Totoo?"

"Luh? Uto-uto. Siyempre, pag-iisipan ko pa."

Binalot ng tunog ng trumpet ang auditorium at pinatayo ang mga magulang. Nakakapit ang kamay sa braso ng kaklase ko, sabay kaming bumaba ng hagdan.

"Leading the academic processional, we welcome the graduates from Earl the Regal University with their advisers." Anunsyo ng master ng ceremonia. "Starting with... Grade Twelve Utilitarianism with their adviser, Mr. Phillip Calphurnio!" 

Sinalubong kami ng palakpak at ilaw ng mga kamara. Sa ibaba, naghiwalay kami ng kaklase ko ng landas saka muling sa gitna ng stage. Pareho kaming nagbow. Bumalik na ako sa upuan ko habang ginagawa rin ng ibang estudyante ang pagyuko.

Pinuno ng kulay luntiang disensyo ang entamblado. Sa mas mataas na palapag, nakahilera ang mga upuang gawa sa kahoy. Marahil para iyon sa mga importanteng tao ng unibersidad.

Natapos ang prosisyon at inanyayahan kaming tumayo para sa pagkanta ng pambansang awit. Natapos 'yon at ang dasal saka kami pinaupo uli. Nakatabi ko si Nefeah pero hindi niya ako pinapansin. Hindi rin masama ang titig. Samantala, tahimik ang buong auditorium sa pakikinig sa dalawang emcee.

"To begin the commencement exercises..." simula ng babaeng emcee. "May we call on Director Benedictus Guam, the academic director of Earl the Regal University, to acknowledge the Five Great Investors who continuously support the institution in giving free and quality education to the future global changers!"

Pinalitan ng direktor ang dalawang emcee sa poidum saka maligayang kumaway. Tinutok niya ang mikropono sa bibig.

"Good morning, Earls!" bati niya at humupa ang palakpakan. "The day has finally come that each of you will take different paths. But never forget, your bond as one big family will never end."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now