SPOT 12: NO CHOICE

844 57 41
                                    

Kindly suggest your best Kdrama ost here...

MACTHARA.


NAKAPAGDESISYON na ako. Kung ito lang talaga ang tanging paraan para hindi makabalik sa bahay na iyon. Gagawin ko. Lulunikin ko itong pesteng kabidahan ko.

Aalisin ko rin ang putek na ka-astigan na ito para lang hindi matupad ang gusto ng magaling kong ina.

Hanggang ngayon ay naririto pa rin ang inis mula sa pagdalaw ni Leone. Hindi ito simpleng inis lang. Hindi ko pa rin matanggap na parang wala siyang pake sa mga madadamay.

Galit. Poot.

Iyan ang mga bagay na salita para ihantulad sa nararamdaman ko. Hangga't hindi ko nalalaman kung sino iyong nagtangkang kumitil sa buhay ko noong gabing iyon.

Walang makakapigil sa akin.

Hangga't hindi ko nakikila ang mga tunay kong magulang.

Walang makakapigil sa akin.

At hangga't hindi ako nakakawala sa kamay ng mga Sartre.

Walang makakapigil sa akin.

Basta. Hindi ko hahayaan na maging katulad ko siya. Isang kriminal na isisi sa inosente ang kanyang kasalanang nagawa. Mag-iisang taon na ngunit hindi pa rin ito nakatatanggap ng hustisya.

Hustisya.

Marahas kong pinunasan ang pawis sa ilalim ng ilong ko. Iyon rin ang nais ko. Hustisya.

Sa loob ng apat na taon, nabulag ako ngunit ngayon ay alam ko na kung bakit ako patuloy na nabubuhay. Iyon bang nahanap ko na ang aking halaga.

Tumakbo ako sa abot ng aking makakaya para lamang maka-akyat sa ika-tatlong palapag ng Building One.

Hustisya.

Hindi ako pumunta rito para dalawin si Allende. Hindi rin ako naparito para tanggapin ang alok niya. Mas makatutulong ang taong ito kung bibigyan niya pa ako ng isang pagkakataon. Isang tao lang ang ipinunta ko rito para matulungan ako.

Dapat lang.

Nang makarating ako sa palapag na iyon ay hingal na hingal ako. Mas hinahabol ko pa yata ang aking hininga.

Ang masaklap rito ay hindi ko alam kung saan ang kwarto ng gagong iyon. Nalaman ko lang na nasa ikatlo siyang palapag ay noong narinig ko ito sa mga babaeng nahumaling sa kanya dati.

Malay ko ba na ang malaman pala ang kanyang silid-aralan ay naka-tadhana na. Saka, hindi ko inaasahan na mapapayag ako sa ganitong paraan.

Hindi ko kasalanan, hindi ba?

Marami estudyanteng naka-tambay sa pasilyo. Tipikal ang mga ganapan rito. Siyempre, ang una kong tinakbuhan ay iyong kumpol ng kababaihan.

"Pasensya na sa abala..." pilit ang pagmamagandang-loob ko sa tatlong babae. "May itatanong ako, puwede ba 'yon sa inyo?"

Sinulyapan nila ako at parang mas nais pa nilang laitin ang itsura ko kaysa sagutin ako.

Mga putek!

Akala ba nila ay madali lang sa akin na kausapin ang mga taong tulad nila. Ang totoo niyan ay mas nasusuklam ako sa tuwing makakaharap ang mga ganitong klaseng babae.

Ibang klase...

Mas lumapit ako sa kanya para maamoy niya ang pawis ko. "Saan dito---"

"Uhm, don't touch me!" iritang sigaw niya.

Arte, arte.

Pinilit ko nga siyang ngitian. Akala ba ulit ng babaeng ito ay kagandahan siya. Maski ako na hindi mahilig sa kolorete ay nalamangan ang mukha niya. Bakit ko nga ba ikinukumpara ang sarili ko sa kanya? Tsk.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now