SPOT 21: THE DEAL

832 28 10
                                    

Kindly suggest a Chinese drama here...

MACTHARA.

PINAGMASDAN ko ang kasiyahan sa buong paligid habang nasa gitna ng Football Field si Gole sa ilalim ng tirik na araw. Kanina pa ito kumakaway at kanina pa rin ito nangungulit sa aking makipaglaro. Napilitin na lang akong pumayag sapagkat mukha namang may makukuha akong matino rito.

Hindi lang iyon sapagkat kusa na lang nagsalita ang bibig ko sa pinagtaguan naming silid kaya parang robot na sumang-ayon ako sa kaniyang mga pakulo. Wala pa siyang sinasabi tungkol sa mga papremyo ngunit mukhang tukoy ko na kung ano ang lalaruin namin.

Sipaan ang nais ng gagong Gole.

Napangisi na lang ako sa aking kina-uupuan habang nagtitipon ang mga tao sa pinaka-babang parte ng audience seat. Nakatayo si Allende sa harap ko, bagaman hindi ko siya pinapansin ay may nararamdaman na itong mali sa pagtagpo ng aking mga kilay. Habang akbay-akbay ay magkabilang bench seat ay umabante ako ng upo.

Nagyakapan ang mga daliri ko habang ako'y nakatungo sa damo at nag-iisip sa mga posibleng mangyari kapag aksidenteng magkita kami ng lalaking binanggit ni Lomar kanina. Tagos pa rin sa buto ang matanaw siya sa malayuan at natitiyak kong mas tagos sa bone marrow kapag nagkaharap kami sa malapitan.

Kumbaga, kamao ko ang unang sasalubong sa kaniya at sa kabilang kamao naman ang babali sa kaniyang bagang. Parang hindi ako nakahinga noong ilang metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Hindi ko rin alam ang maisasagot ko kay Gole noong tanungin niya kung ano ang problema at kung bakit ganoon na lang ako kabalisa sa mga napadaang lalaki.

Dami niyang satsat. Hindi na lang matuwa't napa-payag niya ako.

Pabagsak na napatayo ako at nagsimulang mag-inat. Hindi ko pa rin kinakausap si Yendi at markado na sa kaniyang bisahe ang pagka-inis. Nagkrus ang mga braso niya at walang ganang tinitigan siya. Hindi siya nagpatalo sapagkat nakipaglaban rin ng tingin. Nais ko ngang punasan ang kumikinang na pawis mula sa noo niya. Tsk, tsk.

"Bakit ka ba nakasimangot ha?" angil ko saka inirapan siya. Ako na nga itong sumasakit ang puso sa hindi malamang dahilan at ganiyan pang mukha ang ibubungad niya sa akin.

Medyo nakakabuninashet 'yon at hindi ako nagpapabuninashet ngayon.

"May kakilala kasi ako..." bigla ay wala sa paksang tugon niya at napataas ang isa kong kilay.

"Sino naman 'yan?"

Umupo na lang siya sa tanong kong iyon saka malalim na nagbuga ng hininga. "Basta. Kinakabahan ako sa mga posibleng gawin niyang hakbang."

"Odi, patayuin mo muna." seryosong tugon ko at nagtaka siya.

"Nyeta, ano 'yun?"

"Hindi ba't sinabi mong natataranta ka sa tuwing maglalakad siya?"

"Maglalakad?"
hindi maintindihang ulit niya at nais ko nga siyang bulyawan.

"Sinabi mong 'hakbang', malamang maglalakad 'yon." asik ko at ilang ulit na itinuturo ang paraan ng tamang paglalakad. "Ganito kasi ang hakbang, Yendi."

"Ano naman 'yan?" putol niya sa oras na natayo ako nang tuwid.

"Patayuin mo lang muna siya. Malamang titigil 'yon sa mga kilos niya. Tiyak hindi na gagalaw 'yon."

Bigla nga niya akong sinungitan at parang nauubusan ng pasensyang iniharap sa akin ang palad para tumigil ako. "Nyeta, ang hirap mo talagang kausap kahit kailan."

Yumuko ako para katukin ang noo niya. "At sa tingin mo ba gusto kitang kausap? Bakit ka ba nandito ha?"

"Hindi mo man lang ipinaalam sa aking magpapaligaw ka na talaga sa insektong 'yan." 
parang batang itinuro niya si Gole sa likod ko.

"Joker ka na ngayon, Yendi? Hindi ko type 'yang nasa isip mo. Tsk, walang kalatuy-latuy." mapait na saad ko ngunit hindi niya ito pinansin at nagdiretso sa katatalak.

"Nilibot ko pa ang buong ERU tapos narito ka lang pala, Macky." aniya at seryoso na talaga. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ganito kabalisa ang itsura ko? Wala ka ba talagang alam sa kung anong meron ngayon? Hindi mo man lang ba napansin ang mga kakaibang tili ng mga babae o sadyang ginagamit mo ang lalaking 'yan sa gitna ng damo para ibaling ang iyong atensyon mula sa kaniya?"

Hindi ko maabsorba ang mga sunod-sunod niyang katanungan kaya inis na pinabewangan ko siya. "Ano ba'ng gusto mong sabihin ha? Oo, nakita kong balisa ka. Ano naman ngayon? Odi, sana ayos ka lang. Kailangan pa ba ng awa mula sa 'kin?"

"Hindi. Deadma ka, e."

"Odi, ano nga't bumubulong ka diyan ha?"

Napahawak na lamang siya sa kaniyang sintido at parang may nalalamang hirap niyang sabihin sa akin. Para bang binibigyan siya nito ng sakit ng ulo kaya hindi na siya makapag-isip nang maayos. "Iyong kakilala ko."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now