SPOT 26: PILE

791 29 10
                                    

MACTHARA.

PAGKARAAN ng isang araw ay talaga namang tinatabunan ako ng kamalasan. Oo at tanggap ko na ang aking pagkatalo mula sa laro namin ng gagong Gole kahapon ngunit sana pala ay ako na lang ang nanalo.

Dapat ay ako na lang. Buninashet talaga!

Nabayaran ko man ang lahat ng tuition ko ay mayroon pang dumagdag na isa. Lintek na unibersidad ito at napakamahal ng mga bayarin. Idagdag mo pa ang pagiging graduating student ko. Pati togang isusuot ko ay wala akong pambayad. Kinakailangan ko pang magtrabo nang lubos sa GC nang sa gayon ay hindi ako nakahubad sa ceremonyang 'yon.

Nakatulala ako sa klase habang panay ang talak ng adviser namin. Naiirita ako sa mga anunsyong pinagsasabi niya at nasisiguro kong pareho lang kami ng reaksyon ng mga kaklase ko. Kahit hindi ko gusto ang pag-uugali nila ay wala akong magawa kundi ang sumang-ayon sa kanilang pagrereklamo.

Ba't ang sosyal ng naiisip ng paaralang ito? Buwiset masyado.

"Final exams is fast-approaching as well as your graduation day, grade twelve! Sabik na ba kayo?" malakas ang boses na panimula ni Mr. Calphurnio sa klase. "Kung oo, then I am grateful to say that for the first time ever, our university has decided to celebrate our graduation on a grand setting for our final ceremony. Matutuwa kayo rito, pangako!"

Mas nakatatawa pa yatang masdan ang balbas sa ilalim ng ilong ng guro. Kung gaano rin ako nahihirapang magbasa ay ganoon rin ang matanda sapagkat ang kaliwang mata niya lamang ang may salamin.

Ang panay asar sa kaniya ng iba pang guro ay pirata. Hindi rin maitatanggi ng mga estudyanteng mukha nga talaga siyang manlalayag sa dagat. Ngunit ang depensa ng guro ay hindi raw ito pantakip sa mata kundi isang monocle. Ang kulang na lang siguro sa kasuotan niya ay ang hook sa kamay.

Tsk. Kapitan Hook ka, serr? Hahaha!

"Ano ba kasi 'yan, Sir Phurn? Sabihin niyo na't huwag nang magpa-suspense!"

"Girl, you're so impatient. Don't you want to know? Geez!"

"Maybe, she wants to know but she doesn't want to have her final bow. Hahahaha!"

Yabang mo, talino ka? Kaya mo na 'ko? Tsk, tsk. Ang tanga.

Itinaas ni Serr ang palad para kunin muli ang atensyon namin. "Okay, okay. Listen up here, grade twelve! Please pass each notice to your classmates at the back." utos niyang may inilabas na mga papel. Kasing-kapal nito ang libro. Sinenyasan niya si Lary para ipasa ang bawat response slip sa klase. Hindi umangal ang bakla at unang nakatanggap niyon ay ang unang hilera ng mga estudyante.

"What is this, Sir? Are we gonna pay again? Like again?!"

"Mayaman naman siguro 'yong Top Five Investors natin. Baka matulungan nila tayo, 'di ba?"

"Iskolar lang ako rito. Paano na ang pangkain ng pamilya ko? Pagsisisihan ko na bang nag-aral ako sa isang pretigious school?"

'Wag, tanga. Pati 'yan ay pagsisisihan, magbigti ka. Tsk, weak. Joke.

Nagtaka man ang lahat sa ibinigay nilang sulat ay pinunan naman ng guro ang mga katanungan. May iniabot ang kaklase ko mula sa harap at ipinasa ko rin ang papel sa likod. Noong mabasa ko ang nasa laman niyon ay halos lumuwa ang mata ko sa pagkagulat. Ako pa yata ang magbibigti sa dami ng numero sa mga bayarin.

Buninashet kang ERU. Ba't ang laki ha? Bubutasin mo ba talaga ang bulsa ko o pati ang balunbalunan ko? Peste ka. Benta tayo organ, gusto mo 'yon?

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora