SPOT 54: STUART

71 13 1
                                    

MACTHARA.

HINANAP ng mga mata ko si Ate Diama para sana mas lubos ko pa siyang makilala. Bukod pa roon, magpapapicture na rin ako para sulit ang concert night. Natapos ang recital nang alas-otso at narito ang lahat ngayon sa isang sikat na tower hotel na malapit sa teatro, ang De Troy Tower of Creciento.

"Sorella, what do you think of her?" mataray na bulong ni Stallah sa akin sa VIP table.

Nakakrus ang braso niya habang nakataas ang kilay. Ang nguso ay nakaturo sa entamblado kung saan papaakyat ang blonde girl. Halos mabali ang braso ni Soprano Amari Bellucci sa pagkakaway sa mga miyembro ng opera.

"What do you mean?" takhang tanong ko kahit alam ko ang ipinapahiwatig niya.

"Am I the only one who feels uncomfy around her?" tuloy nito saka dahan-dahang uminom ng tubig sa baso.

"Well. Me, too..." sabi ko habang nakatunghay sa media at dalawang tao sa taas ng stage. "Hindi ka nag-iisa. Don't worry."

"I'm sorry for badmouthing, but I just can't take her..." inis na saad ng katabi ko.

"I know that feeling." Nilingon ko siya saka kinindatan. "Speak up. Let me do the badmouthing..."

"No way, Ate..."

Ngumiti ako kay Tadi. "I love attention, but she's so obsessed with it."

"Mamma mia, sorella!" bulalas niya at palihim na natawa. Umiling-iling siya saka biglang hinawakan ang kamay ko. "You nailed it..."

"She said she likes my dress. No wonder she's barely clothed."

"Oh. My. Goodness." Napatakip ng bibig si Tadi at namumula, halos lumabas ang mata. "Please, Ate. Stop it. You're ruining yourself for me..."

"Well, I'm not comfortable with her, too," saad ko at sumimsim sa white wine. "I'm speaking on behalf of those who feel that way toward her."

"Yeah. Clingy!"

Napakurap ako. Maging si Tadi ay natigilan nang marinig ang sarili. Biglang kumati ang utak ko at naiintriga ako.

"And... Why do you say so?"

Pinanuod ko kung papaano siya mailang nang nguminig ang balikat niya. Ibinalik ni Tadi ang baso sa mesa saka humarap sa akin.

"She's too kind to me..." aniya at napaisip ako.

"Isn't that sweet?"

"Ugh!" pandidiri niya. Umirap siya sabay labas ng dila at pagbaba ng hinlalaki. "She only wants to befriend me, so I can push her to Kuya Sergio."

"Hindi pa sila?" tanong ko.

"No, of course..."

Sumingkit ang mga mata ko. "Why does it feel like there's more behind your irritation?"

"I'm not backstabbing her, am I?" humina ang boses niya at mas umusog sa akin.

"You're not..." umiling ako at hinaplos ang de kolor na buhok niya. "Nagkukuwento ka lang..."

"You're tolerating me, sorella."

"Because I understand you."

Pumorma ang matamis na ngiti sa labi ni Stallah at mahigpit na niyakap ang braso ko. "You're the best Ate in the world!"

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now