SPOT 51: THE CLOSURE

112 21 2
                                    

MACTHARA.

LUMUBOG ANG BUWAN at sumikat ang araw. Nagbabaybay pa rin kami sa dagat Pacifico. Masayang natapos ang hapunan kagabi pero ako lang siguro ang mabigat ang dibdib.

"Ma'am, straighten your head, please..." paki-usap ng esthitician, isang espisyalista sa pagpapaganda ng balat. 

Sinunod ko siya at itinuwid ang likod para tumaas ang baba. Madilim ang paningin ko. Hindi dahil sa sama ng loob kundi sa eye patch. Malamig ang palibot ng mata ko. Niyaya kaming magpa-facial ni Tadi kasama si Ate Marxina. 

"So I guess this is a reunion?" Dinig kong sambit ni Tadi. 

Nasa katabing clinic bed lang siya. Hindi gaano kakapal ang wood divider para hindi siya marinig sa cubicle ko. Nagpatuloy siya sa pagbubuhat ng usapan. 

"After this, let's visit the new fashion boutique," magiliw na dugtong niya. "I saw their new designs in their website. I'd like the classy yet vintage ones. E tu, sorella maggiore?"

"Who?" sabat ni Ate Cina. "Macthara or me?"

"Well... both."

"Edgy suits," maikling tugon nito.

"Hot..." pinuri ni Stallah ang sense of fashion ng pinsan. "E tu, sorella Mactha? I remember you have a wardrobe collection of Dior suits."

Sinagot ko si Stallah at sinabing hindi na ako tulad ng dati. Lumipas ang usapan at hindi pa rin siya natapos sa pagkukuwento. Sumasagot ako minsan pero mas madalang kong marinig ang boses ni Ate. 

Ang tototo niyan, nakapag-usap na kami kagabi pero ayaw kong isiping ganoon ang tingin niya sa 'kin. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa napagusapan namin o talagang ginto ang mga salita niya kaya siya tahimik.

"A proposito... Why didn't Tita Stronia come?" takhang tanong ni Tadi. "I thought she'd have her facial today?" 

"She's with her mother," sagot ni Ate Cina, tinutukoy si Mamma. 

"Oh. Okay." Namutawi ang panandaliang katahimikan bago siya muling nagsalita. "Do you know what could they be doing?"

"Mahjong." 

Napasinghal si Stallah. "And Dad joined them?"

"Likely," anang pinsan. 

"Likely what?" Naiisip ko ang panlalaki ng mga mata niya. "Okasan isn't even here. You know... She's strict when it comes to gambling. Dad should've been aware." 

"He is..."

"If only Mama was here..."

"Tita Leone is here," saad ni Ate Cina. "She can look after her dearest friend."

"Shut up, per favore?" 

Nadama ko ang bigat sa salita ni Tadi pero kumawala ang halakhak sa bibig ng pinsan niya. Kahit hindi ko gusto ang pangongontrol ni Leone, hindi ko pa rin gustong pinagtatawaan ang isa sa miyembro ng pamilya ko. Sa aming tatlo, para akong isang atigong muwebles, walang pumapansin. 

"I'm sure Tito Trau can look after himself," sabat ko at napawi ang ingay. Ramdam ko ang atensyon nila sa akin. "But I can ask Pappa to eye on him... to assure you."

Natapos kami sa pagpapakonsulta sa dermatologist kaya sunod naming binisita ang isang fashion boutique tulad ng plano ni Tadi. Totoo ngang magaganda ang disenyo ng mga damit dito. 

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now