SPOT 52: ISLA CRECIENTO

101 17 0
                                    

MACTHARA.

DUMAONG ANG barko sa pier. Mula rito sa hagdan, tanaw ang extreme slides ng private resort. Ilang pool area ang puwedeng paglanguyan. Kabisado ko na ang lugar dahil nakapagbakasyon na kami noon dito. Halos lahat ng sulok ay namarkahan ko na.

"It's so good to be back," bulong ko.

Sa lawak ng isla, may iba't ibang bahagi. Sa kabilang pampang, may parte ng dagat na hindi maaaring paglanguyan dahil eksklusibo lamang 'yon sa may-ari. Sa dakong 'yon, kumikinang ang asul na dagat. Puti ang buhangin, purong-puro, sinadyang durugin ng kalikasan.

Ang Isla Creciento ay isang pribadong beach resort na pagmamay-ari ng mga De Troy. Napakalawak ng lupain nila dahil abot ng kalangitan, isang palasyo ang nakatayo sa burol.

Sakop ng talahib at tropikal na mga halaman, nakabaon din sa lupa ang naglalakihang puno. Naalala ko may kuweba rin sa ibaba ng mga bato. At sa loob, umaagos ang klarong tubig-dagat.

Ilang beses na akong nakapunta rito pero parang bago pa rin ang pakiramdam. Tinanggal ko ang aking sunglasses at mausisang sinipat ang kabuoan ng beach resort. May mga nabago sa istilo ng driveway at parke kumpara noong huling nadatnan ko.

Nang makalagpasan sa entrance, una kaming binungad ng nakakalulang mga slides at water activities. Sa tabi ng pool, nakahilera ang sun loungers at mga nakabukang payong sa gilid nito.

Kahit saan man lumingon, makikita ang mga puno ng palmera sa bawat daraanan. Isa ito sa mga naisip nilang paraan para palamagin ang hangin sa resort. Imbes na cottages, mga hiwa-hiwalay na gazebo ang napatayo sa hardin kung saan lumalagi ang mga turista.

May six-star hotel din ang isla. Ginto at puti ang tema ng resort. Kulay ng mga diyos at diyosa. May watawat sa bawat lamp post na madaraanan. Sa gintong kulay, naka-printa ang gasuklay na buwan.

Ang Creciento.

Simbolo ng isang imperyo.

Sino man ang makakatapak sa ganitong ka-espesyal na lugar ay tatawaging prinsipe at prinsesa, anak ng hari at reyna, sila na mas mababa sa emperador at emperatris, ang kaantabay ng mga diyos at diyosa, mga taga-pangalaga ng kalikasan.

Ngunit hindi ang six-star hotel ang paglalagihan namin. Isang electric vehicle ang nagdala sa bawat pamilya sa tuktok ng burol. Pazig-zag ang daan papunta sa mala-palasyong bahay.

Limang sasakyan ang naghatid sa amin sa itaas. Sa unahan, si Tito Trau at Tita Tronia, kasama si Tito Marximo. Nakasunod sina Mamma at Pappa. Si Kuya Marxiss at Ate Cina sa pangatlong sasakyan. Sa ikaapat, si Mori, ang yaya niya, si Malvie at Tadi.

"Actually, I'm the manager of this resort now," ani Duez nang purihin ko ang ganda ng isla. Siya ang nakatabi ko sa huling sasakyan. Pinilit niya sa hulian kaya dito kami naupo.

"Talaga?" napalingon ako sa kanya. "And you're okay with that?"

"Won't you congratulate me?"

"Congratulations..."

Sumeryoso ang mukha ni Duez habang titig na titig sa akin. "Wow. Sincere."

"Bakit 'di si Kuya Sergio ang nagmanage nito?" tanong ko.

"At bakit hindi ako?"

"Ewan. Ba't mo ako tinatanong?"

"Tsk. He's busy in Italy," tugon niya at napatango na lang ako. "Besides, I won this over. I deserve this. Kahit ayaw ni Chief na patakbuhin ko 'to."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now