SPOT 29: ACE THE TEST

759 24 11
                                    

MACTHARA.

KADA-EKSAM ay minamabuti kong hindi ako mahuhuli sa klase. Hindi ko hinahayaang magkaroon ako ng rekord sa Head Patron's Office nang dahil sa late ako. Kung ganoon man ang mangyayari, maglilinis ako ng buong hallway ng ika-pitong palapag ng Building Two. Pagtitinginan lang ako ng mga estudyanteng hindi nakakaranas ng hirap sa kanilang buhay. 

Hindi pa sumisikat ang araw ay namulat ang aking mga mata. Mula sa pagkakahiga, naupo ako sa kama saka napatingin sa orasan sa tabi nito. Alas kuwatro pa lang nang umaga at mamaya pang alas-siyete ang simula ng klase. Napapikit ako saka napabuntung-hininga. Limang oras lang ang aking itinulog at kailangan ko pa ng mas maraming enerhiya para mamaya.

Natayo ako at nag-inat ng katawan. Sobrang lakas ng hikab ko at bigla ko na lang nakita ang aking sarili sa harap ng salamin. "Ay, bunina..." Muntik na akong mapatalon nang makita ko ang isang nakatayong nakakatakot na babae. Sa sobrang kulot ng aking buhok, nag-animong multo ang buong katuahan ko. 

Mabigat ang katawang nagtungo ako sa banyo. Ganoon na siguro ang nararamdaman kong pagod at lumalabas na ito mula sa aking mukha. Sumandal ako sa lababo at doon ay kinayod ko ang naglalakihan kong muta at nagsipilyo. 

Gamit ang twalya, kinuskos ko ang buhaghag kong buhok matapos kong maligo. Sa sobrang tagal ko sa banyo, inabot ako nang trenta minutos sa pagmumuni. Hinayaan ko lang na tumulo ang tubig sa buong katawan ko mula sa shower. Mainit-init lang ito, sakto para pagaanin ang umaga ko. 

Lumipas ang ilang minuto ay nakapagbihis na ako. Sa araw na ito'y ngayon na lang ulit ako sumunod sa patakaran ng eskuwelahan. Mula sa violet na medyas ay nagsuot ako ngayon ng puti. Hindi na rin ako nagsusuot ng jogging pants habang naka-palda. Kaya naman nakabulagta ang mga binti ko, isang bagay na kinaaayawan ko. Ngunit hinding-hindi ako maglulugay ng buhok. 

Tumapat ako sa salamin saka mabilis na sinuklay ang mga kulot. Hinagod ko ang lahat ng hibla at itinali ito hanggang sa maunat ang pisngi ko. Nagmukha akong cinderella sa ginawa ko ngunit wala na akong oras. May naririnig na akong nagpiprito sa ibaba at malamang gising na si Yendi. Papaalis na ako sa kuwarto ngunit parang ang gaan yata ng aking likod.

Tumalikod ako para kunin ang bag ko mula sa sofa. Ipinatong ko ito sa study table saka pinagkakarga ang makakapal na librong binasa ko kaninang gabi. Pinakaruskos ko ito sa aking daliri at hindi ako makapaniwalang halos magulisan ko ang limang buong pahina. Nilagay ko na lahat ng maaaring magpabigat sa purple kong bag saka binuhat na ito. 

Ngunit bago pa man ako muling makaalis ay nasagi ng aking mata ang kulay lilang kahon mula sa taas ng CPU. Napatigil ako sa paglalakad at napaisip sa kung anong puwedeng gawin dito. Mas hindi ako makapaniwalang pumasok pa sa isip ko ang mismong taong nagbigay sa akin niyon. Napairap ako at nilapitan ang kawawang bagay na ito.

Kinuha ko iyon saka binuksan ang lid. Tumingkad muli ang kulay asul nitong kulay na pinapalibutan ng kumikinang na beads. Hindi ko pa rin maabsorba sa aking sistema kung bakit ganoon na lang ang pagtrato sa akin ni Gole, na para bang ako'y mundo niya. Umamin man siya noong isang araw ay hindi pa rin ako maniwala. Bigla ko namang naalala iyong mga araw na iniiwasan ko siya.

SPOT THE FLASHBACK

Isang araw ang lumipas simula noong nagtapat si Gole. Hindi ko man aminin ay nabigla talaga ako sa mga kaniyang sinabi. Hindi ko alam na mayroon na pala siyang espesyal na nararamdaman para sa akin ngunit matagal niya iyong tinago. Maraming tanong ang umiikot sa aking utak ngayon kaya naisipan kong magpahinga sa LLC. Naawa rin ako nang kaunti sa rosas na kaniyang ibinigay ngunit noong matanggap ito, hindi ko na ito binalikan nang ipahawak ko iyon kay Zede. Pero binawi ko rin at naisipang itapon sa basurahan. Ngunit heto't tinago ko pa rin.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now