SPOT 8: AUTO-HIRE

868 70 17
                                    

MACTHARA.

UMIKOT ang upuan at kapagdakang mula dibdib hanggang ulo ay bumagal ang paggalaw ng oras. Napangiwi pa ako sa mapanlinlang niyang ngisi na nakapanlumbaba pang tinititigan ako.

"Anong ginagawa mo diyan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya mula sa suot niyang business attire, "Sabi ko naman sa 'yo, Mactha ko, magkikita tayo ngayon!"

"Ha?"

"Hired ka na sabi, Macthara. Ang kulit mo naman eh!" angil niya at nanginig pa ang kamao.

Tinitigan ko siya ng puno nang pag-aalinlangan. Sabihin na lang natin na mas naasiwa ako sa ngiti niya.

Magulo ang kanyang buhok, dumadapo sa ibang direksyon, ngunit hindi ko maikakaila na maganda itong tingnan sapagkat nahiya ang mga kulot ko sa sobrang pagka-unat nito. Nakahawi ito sa gilid at kumikinang pa.

"Oy, teka nga, padalos-dalos ka. Hindi ako pumayag, 'di ba--"

Biglang sumulpot ang mga pangyayari kanina na kung saan halos malibot ko ang buong siyudad para lang makahanap ng trabaho ngunit puro sila walang maneger o hindi kaya ay maghintay raw ako ng tawag mula sa kanila.

Nakutoban ako kanina na parang may bumubuntot sa akin, na jet black na kotse at doon ko lang napagtanto na sa kanya pala iyong naka-park sa harap na katabi ng motorsiklo ko.

"Sinusundan mo ba 'ko, ha, Dantes?" nanghahamong tanong ko ngunit tinawanan niya lang ako.

"Hindi, ah! Ako kaya ang boss dito!" pagmamayabang niya at napailag pa ako. "Mactha ko, tell me about yourself. Bilis, sabik na sabik na ako sa 'yo!"

"Ibang klase ka, Gole..." nagkiskisan ang mga ngipin ko. "Dahil sa 'yo, minamalas ako sa trabaho. Alam ba mo 'yon?"

"Ang sakit naman niyon, Mactha! Sinabi ko lang sa kanila na bukas ka na bumalik at ako ang puntahan mo ngayon!"

"Anak ng..." napapamura ako at tinulak niya ang upuan na tila isang hari kung tumayo. "Putek ka, bakit mo ba ako sinasabotahe?" umabante pa ako para angasan siya. "Lumapit ka rito, nais mo bang matikman ang galit ko?"

"Tsk, tsk. Ayan ba ang klase ng empleyado na pagtatrabahuin ko sa aking kompanya?" bigla ay nagseryoso siya at inikutan ako na tila nagbibilang. "Una, bastos ang pananalita. Pangalawa, pala-away. Pangatlo, pabibo. At nanghahamon pa ng gwapo! Ikaw nga talaga si Macthara."

Halos sumabog ang ulo ko sa mga narinig ko. Sinundan ko siya ng tingin at umupo siyang muli. Sa oras na ito ay sa sofa naman ng kanyang opisina. Kulay gray ito at bumabagay sa attire niya.

"Ngunit kahit ganoon ka-sama ang ugali mo, pagbibigyan pa rin kita, siyempre." pagmamalabis niya na pinagpag pa ang kutson. "Maupo ka sa 'king tabi, Mactha ko."

"Ayoko." tanggi ko.

"Bakit naman? Akala ko ba kikilatisin ko 'yang kalidad mo?" malaswang tanong niya na ikinapunta ko sa pinto.

Manyak, 'nimal!

Isa itong peste sa buhay ko. Bigla na lang sumulpot noong umalis ako sa mansyon ng nila. Tinutukoy ko ang mansyon ng mga Sarte, at hindi sa akin iyon.

Balik kay Gole na biglang napatayo. "Saan ka pupunta?"

Laging ganito ang sistema naming dalawa. Nakayayamot ang pangungulit niya at magkatulad nga talaga sila ng pinsan niyang si Sarge.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Where stories live. Discover now